A2Z Nagsisi Na Binitiwan Ang ABS-CBN Primetime

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Napansin ng dating Sports Commissioner na si Noli Eala, na tila hindi na umano patok sa mga Pinoy ang panonood ng PBA.


Napansin ni Noli Eala na kakaunti na lamang ang nanonood ng PBA mapalive man o sa telebisyon.


"I turn on the TV and I see how so few are watching the PBA in the venue on only its second playing day. About 7 months w/o PBA games and you’d think fans would miss their teams. The league really has to do something about this. Remember it’s only as strong as its weakest teams."


Naniniwala si Noli Eala na dapat nang gumawa ng aksyon ang league sa mga ganitong pangyayari.


Samantala, sinagot naman ng isang netizen ang post ni Noli Eala kung saan sinabi niyang dapat ay ipalabas na lamang sa YouTube ang mga laro ng PBA para mapanood ng libre.


"I thought the PBA had improved its viewership and interest when the Bay Area Dragons played. Liberalize the league: enhance the access of the games for the fans (youtube/FB free games at the venue);allow foreign players/teams; adopt fiba rules;and foster league parity."


Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay inanunsyo ng TV5 CEO Guido R. Zaballero na ang A2Z na ang magiging panibagong tahanan ng PBA.


Inanunsyo rin ni Guido Zaballero na mapapanood na ang mga laro ng unang Pay for Play League sa Asia sa A2Z dulot ng kasunduan ng kampo ng Kapatid network, Cignal, ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network.


Ayon pa kay Guido Zaballero, nangangailangan talaga ang PBA ng isang dedicated home kung saan hindi mako-compromise ang pag-ere ng ibang mga liga na hawak rin ng CIGNAL TV.


Nilinaw pa nito na ang TV5 at ang CIGNAL pa rin ang in-charge ng pagproduce ng liga kung saan nagsisimula ang 48th season ng PBA nitong November 5.


Samantala, naglabas naman noon ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN sa paglabas ng PBA Game sa A2Z, ipinahayag nila na hindi na muna ipapalabas sa A2Z ang primetime bida programs at iba pang Kapamilya programs tueing myerkules, byernes at linggo upang mabigyan ng daan ang pag ere ng PBA League.


Pareho namang pumayag ang A2Z at ABS-CBN sa mga pagbabagong ito, lalong-lalo na sa p[agbabago ng oras ng kanilang mga programa.


Nagpasalamat naman ang Kapamilya network sa lahat ng mga Kapamilya, Kapatid, at ka-A2Z sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga programa.


Samantala, ang mga palabas naman ng ABS-CBN na ipinapalabas sa primetime block ng A2Z ay pansamantala lamang na ititigil habang on going pa ang PBA.


Sa kabilang banda, tila nagsisisi naman umano ang A2Z sa desisyong piliin na ipalabas ang PBA dahil bumaba ang kanilang viewer's rating.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo