Alex Gonzaga Inamin Na IVF Procedure Ang Second Pregnancy Nila Ni Mikee Morada

Lunes, Nobyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nalungkot at naawa sa sinapit ng actress-TV host, vlogger na si Alex Gonzaga dahil muling nalaglag sa ikalawang pagkakataon ang kanyang ipinagbubuntis.


Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang lahat ng mga pinagdaanan niyang hirap at sakit sa unang pagkakataon sa vlog mismo ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.


Sa pagbabalik ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, unang kinapanayam niya ang kanyang nakababating kapatid na si Alex.


Napag-usapan nila sa pagkakataong ito ang dalawang beses nang pagkalaglag ng pinagbubuntis ni Alex.


Unang nakunan si Alex Gonzaga noong October 2021 labis itong ikinalungkot ni Alex. Gayunpaman, hindi tumigil ang mag-asawa sa pagsubok na makabuo muli.


Subalit, nitong October 2023, muli na naman nakunan sa ikalawang pagkakataon si Alex Gonzaga.


Ang ikinagulat pa ng marami ang inamin ni Alex na hindi naturally conceived ang pangalawang anak nila ni Mikee. Gumamit umano sila ng science, sa pamamagitan ng IVF procedure.


Ipinahayag pa ni Alex ang pressure na pinagdadaanan niya mula sa mga tao sa kanyang paligid at mga pinagdaanang isyu lalo na noong nakaraang kaarawan niya.


“Nung time na iyon kasi naisip ko talaga na I’m so pressured na. Pressured na ako sa mga tao na, ‘Uy, hindi pa ba manganganak iyan?’ Tapos siyempre, yung nangyari sa akin this year dun sa birthday ko.


“So, parang every time na may name-meet ako sasabihin na parang, ‘Ah, mabait ka naman pala,’ na parang sabi ko, ‘Ba’t kaya naging ganun yung connotation sa akin this year?’” pag-amin ni Alex.


Nagbigay pa ng mensahe si Alex sa mga anak mula sa IVF na mahalin nila ang kanilang mga ina dahil hindi biro ang pinagdaanan nito para lamang magkaroon ng anak.


Samantala, sinabi umano sa kanila ng kanilang doktor na nasa 50% hanggang 60% chances lamang ang sucessful rate ng isinagawa nilang procedure.


Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan, ipinakita naman ni Mikee ang pagsuporta kay Alex.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo