Amy Perez Kaagad Na Nagsorry Matapos Masabi Ang Ari Ng Babae Sa It's Showtime

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na humingi ng paumanhin ang It's Showtime host na si Tiyang Amy sa madlang pipol ito'y matapos niyang masabi ang pangalan ng ari ng babae sa kamakailang episode ng It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, sa segment na Tawag ng Tanghalan, masayang nagba-banter ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at Tiyang Amy.


Biniro nina Vhong Navarro at Vice Ganda si Amy Perez patungkol sa pagiging mali-mali nito. 


"Binasa mo ang spiels niya Tyang," saad ni Vice Ganda.


"Ako kasi masunurin, kung ano ang nandoon yun ang babasahin ko," sagot naman ni Tiyang Amy.


Nagtawanan sila at nagbibiruan pa hanggang sa ipahayag ni Vice Ganda na nagiging wrong-wrong na si Tyang Amy habang tumatagal.


Tawang-tawa naman si Tiyang Amy sa kanilang nagiging biruan hanggang sa hindi sinasadya nabanggit niya ang pangalan ng maselang parte ng isang babae.


Kaagad namang humingi ng paumanhin si Tiyang Amy kung saan ipinahayag niyang nagulat lamang siya sa pagbibiro ni Vhong Navarro.


Maging sina Vice Ganda at Jhong Hilario ay bakas din sa mukha ang pagkagulat nang magkamali si Tiyang Amy.


"Sorry po. Sorry po, sorry madlang pipol si Vhong kasi ginulat ako nasabi ko palaka."


Hindi naman rito nagtatapos ang biruan nila nang sumingit si Vice Ganda kung saan ipinahayag niya na tila gusto na namang mag-Hongkong ng It's Showtime family.


Matatandaan na nakapagbakasyon sa Hongkong ang It's Showtime hosts nang masuspinde ang kanilang show sa loob ng 12 airing days.


Ito'y matapos makatanggap ng mga reklamo ang MTRCB hinggil sa malaswang paraan umano ng pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing sa isang episode ng show kasama ang kanilang mga guest hosts na mga menor de edad.


Samantala, umaasa naman ngayon ang mga madlang pipol na hindi na lumaki pa ang pagkakamali ni Tiyang Amy. Marami kasi ang nakapansin na napakahigpit ng MTRCB sa noontime show na It's Showtime.


Makikita naman din umano na wala namang intensyon si Tiyang Amy na banggitin ang salitang iyon, kundi nagulat lamang siya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo