Angelica Panganiban Hindi Makalakad Dahil Sa Sakit Na Avascular Necrosis

Martes, Nobyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay isiniwalat ng aktres na si Angelica Panganiban ang isang nakakalungkot na balita patungkol sa kanyang pinagdadaanan ngayon partikular na sa kanyang kalusugan.


Sa kamakailang episode ng kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Angelica Panganiban na mayroon siyang rare bone disease na naging dahilan upang hindi siya makalakad ng maayos.


Ayon sa pagbabahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang vlog isiniwalat niyang may avascular necrosis, na naging sanhi ng pag-collapse ng kanyang mga bones.


Isiniwalat din ni Angelica Panganiban, na una niyang naramdaman ang mga sintomas ng kanyang sakit noong ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ni Gregg Homan.


“Nagtanong-tanong ako sa mga doktor, and friends ko na naging mommy na rin and lahat naman sila sinasabi na it’s part of pregnancy. So nung nanganak ako, wala nakong time na pansinin yung mga masakit sa akin,” pahayag ni Angelica Panganiban.


Gayunpaman, kahit na nanganak na umano si Angelica ay nakakaranas pa rin siya ng kaparehong mga sintomas, na nag-udyok sa kanya upang humingi ng medical help.


Ayon sa kanya, tinanggihan niya ang unang mungkahi ng mga doktor na magkaroon ng joint replacement procedure, ngunit nagpasya siyang gumawa ng another approach upang matugunan ang kanyang kondisyon.


“Namatay na yung mga bones ko sa balakang. Kaya pala hirap na ako maglakad. Nung una ang sabi sa akin ay surgery, parang joint replacement na parang nakakatakot pakingan. So naghanap ako ng doctor na magkakaron ng conservative approach,” saad ni Angelica.


Ibinahagi rin ni Angelica kung gaano kasakit ang ginagawang procedure para sa kanya sa puntong hindi niya napipigilan na mapaiyak.


“So bumalik kami sa pagsaksak ng PRP sa hips ko. This time, nag drill sila ng hole. Ininject nila yung PRP directly doon sa dead bone. Masakit ba yung procedure? Di ko inakala masakit sya. Tulo ng tulo yung luha ko. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko na bakit ako, bakit sa akin nangyari ito.”


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe para kay Angelica Panganiban, upang palakasin ang kanyang loob sa gitna ng pagsubok na kinakaharap.


Narito naman ang isang mensahe mula sa netizen na may kaparehong kondisyon ni Angelica Panganiban.


"Hi Angelica, first of all, hugs to you. Alam ko ang pains, and struggles of having AVASCULAR NECROSIS. I had my hip surgery- core decompression- tulad mo naglagay din sila ng tunnel sa hipballs ko. Yes. Plural. Both- right and left- bilateral. Jackpot. 


"Its a life long battle. Some days ok ako. Some days- gusto ko na lang mahiga all day- but shempre hindi naman ako yayamanin para magpahinga na lang always- so kadalasan- kailangan ko magtrabaho. 


"I was a dancer for 30 years. Nung nalaman ko na may AVN ako- i was a full time dance instructor in HongKong. Sa Pilipinas ko nalaman na may AVN. 


"I had to stop teaching dance. I was depressed post surgery. But thankful ako- kasi now im fighting- im a fashion designer now in Bataan. And gusto ko pa din gawin mga gusto ko- im also a drag queen- oh di ba nakakapag high heels pa ako? 


"Lahat yan gagawin naten- hanggat kaya pa maglakad- tumayo- hanggat kaya pa lahat! 


"God bless you and your family Angelica. Kaya yan!!! Laban lang! Lagi ako nanonood ng vlog mo. And nagulat ako sa vlog na ito. 


"May bago lang ako natutunan sa iyo- yung "PRP" - during my surgery- i had core decompression and nag inject ang doctor ko ng stem cell sa tunnel ng right hip ball ko- kasi yun- stage 4 na daw kasi. My left hipball stage 3. Anyways- please update us- pagppray kita. More vlogs to come! Fight fight fight!"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo