Naglabas na ng saloobin ang aktres na si Anji Salvacion hinggil sa natatanggap niyang pambabatikos at pagnenega sa kanyang pag-arte ng mga netizens.
Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment sites ang aktres na si Anji Salvacion dahil sa kanyang pag-arte.
Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang pag-arte ni Anji Salvacion. Marami rin ang hindi natutuwa sa ipinapakitang performance ni Anji Salvacion sa seryeng Linlang.
Maging ang kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz ay pinuna rin ang naging performance ni Anji at hayagan pang sinabi na dapat ay tanggalin na lamang ito sa serye.
Nag-offer din ito ng free acting workshop para sa aktres upang kahit papaano ay matulungan din ito sa kanyang kakulangan sa pag-arte.
Samantala, nagbigay na ng pahayag ang akres hinggil sa pambabatikos sa kanya dahil sa kanyang poor acting skills.
Sa isang panayam inamin ni Anji Salvacion na binabasa niya ang mga komento ng mga netizens hinggil sa kanyang acting skills.
Ayon kay Anji, ginagawa niya ito upang malaman kung ano pa ang kailangan niyang i-improve pagdating sa kanyang acting performance.
“I’ve read comments, and yes, I’m taking them seriously, especially the constructive ones, because I know they would really help improve my craft.”
Dagdag pa ng aktres, “I see myself as a work in progress, which is why I welcome comments on my acting, and I believe that learning is a contininuous process.”
Nilinaw pa ng aktres na hindi niya kailanman papatulan ang mga bashers tanging mga komento lamang na nakakatulong sa pag-improve sa kanyang sarili ang kanyang tini-take seriously.
“Some comments were just making fun of me, and they weren’t helpful anyway.”
Nilalaktawan naman din umano ni Anji Salvacion ang mga komento at mensahe ng mga bumabatikos sa kanyang lalo pa iyong labis kung makapanglait gayung alam umano niyang hindi naman sila marunong umarte.
“Reading their messages will break you if you don’t know how to deal with them, kasi kung iisipin mo itong mga taong nanglalait sa akin, I don’t think they can act well either.”
Mas mabuti na lamang umanong laktawan na lamang ang mga komentong ito kaysa pagtuunan pa ng pansin. Subalit, bukas naman umano siya sa mga komento na nagbibigay ng payo sa kanya upang ma-improve ang kanyang paraan sa pag-arte.
“That’s why it’s better to ignore them and focus on the helpful comments and I want to emphasize once again that I am open to comments that I believe will help me improve my acting skills.”
Inamin din ni Anji Salvacion na naapektuhan at nakakaremadam siya ng pressure sa power cast ng Linlang kung saan nakasama niya ang mga magagaling na artista sa industriya. Kabilang na sina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM De Guzman at Maricel Soriano.
Inamin din ni Anji Salvacion na nagulat siya sa intensity ng mga scenes sa Linlang.
“Yes, I was shocked by the intensity of every scene and deeply affected by it.”
“t took me a while to adjust. This is the very first teleserye I’ve done, and it’s a heavy drama.”
Aminado rin si Anji Salvacion na nahihirapan siyang mag-adjust sa drama, subalit sa tulong ng kanyang mga kasamahan at mga directors ay naipapalabas niya ang kanyang best performance.
“I would say that I had a difficult time adjusting, but with the help of my co-actors and directors, I was able to give my best.”
Labis naman ang pasasalamat ni Anji sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa paggabay umano sa kanya para mairaos ang mahihirap na scenes.
Unang nakilala si Anji Salvacion nang sumali siya sa Idol Philippines Season 1 noong 2019. Hindi naman siya ang maswerteng nanalo rito.
Pumasok naman si Anji sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan siya ang hinirang bilang big winner noong 2022.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!