Bagong Music Video Ni Toni Fowler, Umantig Sa Netizens

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


 Muling umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang kontrobersyal social media personality na si Toni Fowler dahil sa panibagong music video na kanyang inilabas.


Matatandaan, na umani ng negatibong komento mula sa mga netizens ang mga naunang music video ni Toni Fowler dahil sa malaswang content nito.


Sa katunayan, kinakaharap pa ngayon ni Toni Fowler ang mga kasong isinampa sa kanya ng grupong KSMBPI dahil sa kanyang mga music video.


Viral ngayon at usap-usapan ngayon ang panibagong music video ni Toni Fowler na pinamagatang SUS dahil naiiba na umano ito sa mga naunang music videos ni Toni.


Marami rin ang naantig sa lyrics at sa emosyun na ipinapakita ni Toni sa music video.


Sa lyrics ng kanta, ipinahayadg ni Toni Fowler na ang sakripisyo ng isang single mom sa pagpapalaking mag-isa sa kanilang mga anak.


Ilan sa mga tumatak na lyrics mula sa kanta ni Toni Fowler ay, “Anak kumapit ka bubuhayin kang mag-isa”

“Pakatandaan, nanay ka hindi nanay lang.”


Samantala, sa isang Facebook post, inamin ni Toni Fowler na totoo ang ipinakita niyang emosyon sa music video.


“Ang galing daw ng acting ko. Baka inartista ko? Totoo po yung iyak ko dun. Walang hinto kahit may CUT na ni Direk. Di bale bukas naman upload ko ng BTS ng SUS.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo