Billy Crawford, Vice Ganda Nagkaayos Dahil Kay Coleen Garcia

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Nag-uumapaw ang saya ngayon ng mga madlang pipol nang muling masilayan sa It's Showtime stage ang mga dating hosts ng show na sina Coleen Garcia at asawa nitong si Billy Crawford.


Naging emosyunal naman ang kanilang mga kasamahan sa show sa surpresang dala ni Vice Ganda para sa kanyang Magpasikat performance.


Samantala, ibinahagi naman ni Vice Ganda kung sino ang naging daan ng pagkakasundo nila ni Billy Crawford.


Ayon sa pagsisiwalat ng Unkabogable Star, nagkausap sila ng masinsinan ni Billy Crawford dahil kay Coleen Garcia.


“Story time kung paano kami nagkita ni Billy. Si Coleen ang nakita ko, sabi ko, ‘Hi Coleen, bye. Tas sabi niya, ‘Magbati na kayo please’ tapos nung nakita ko si Billy hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sabi niya, ‘Sige na please’,” pagbabahagi ni Vice Ganda.


Ipinahayag din ni Vice Ganda na hindi niya nahindi-an ang pakiusap sa kanya ni Coleen Garcia dahil makikita naman umano sa mga mata nito na sincere ang kanyang pakiusap para magkaayos na sila ni Billy Crawford.


“paano ka mag-no no kay coleen, tapos ‘yung mukha niya ang sincere. tapos alam niya kung gaano kahalaga ‘yung relationship namin ni billy, nasaksihan niya,” dagdag pa ni Vice Ganda.


Ibinahagi naman ni Coleen Garcia kung paano niya kinumbinsi si Billy Crawford na makipag-ayos at makipag-usap na kay Vice Ganda. Ipinaliwanag niya rito na nasasaktan na lamang nila ang isa't-isa dahil malapit silang magkaibigan.


“Pareho kayong nasaktan. ‘Yun ‘yung sinasabi ko kay Billy. Sabi niya, ‘Eh sinaktan niya ako eh.’ Sabi ko, ‘Eh kasi you’re also in pain so lahat ng nasasabi n’yo, nagagawa n’yo its all coming from a place of pain. You have to understand din na minsan may nagagawa tayo, may nasasabi tayo because nasasaktan din tayo. It’s not because masama ‘yung iniisip mo tungkol sa isang tao pero dahil nga mahal na mahal mo ‘yung isang tao kaya ka nasasaktan’,” pagbabahagi naman ni Coleen.


Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap at tuluyan na silang nagkaayos. Sa tingin naman ni Vice Ganda na ngayon na ang perfect timing para sa kanilang pagkakaayos.


“It was the perfect time. I felt so good kaya nung naghiwalay kami, text kami agad ni Billy. As in pagsakay ko pa lang ng kotse nagte-text na kami, nagtatawagan na, nagsesendan na kami ng kung anu-anong picture. Ganun agad, parang this is the perfect time ang sarap-sarap sa pakiramdam,” muling pagbabahagi ni Vice Ganda.


Sa muling pagbabalik ngayon ni Billy Crawford sa It's Showtime, hinihiling naman ng mga madlang pipol na tuluyan na itong makabalik sa show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo