Dahilan Kung Bakit Maaaring Hindi Makauwi Si Sheynnis Palacios Sa Nicaragua

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 May mga masalimoot na kwento sa likod ng tagumpay ni Sheynnis Palacios ng Nigaragua sa katatapos lamang na Miss Universe 2023.


Nauna nang naiulat na hindi pinayagan ng pamahalaan ng Nicagaragua sa pamumuno ni Daniel Ortega na makabalik sa kanilang bansa ang national director ng Miss Universe Nicaragua na si Karen Celeberrti at ang kanyang anak.


Ang pagkakaban ng dalawa ay dahil sa pagsuporta nila kay Sheynnis Palacios sa Miss Universe 2023 pageant na ginanap sa El Salvador noong November 18, 2023.


Bukod sa pagkakaban ng National Director at anak nito, pinapaban din ng Nicaraguan Government ang dalawang mural artist na gumuhit ng mukha ni Sheynnis Palacios bilang tribute sa kauna-unahang Miss Universe na mula sa kanilang bansa.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang national director ng Miss Universe Nicaragua hinggil sa pagpapaban sa kanila ng kanyang anak nina Daniel Ortega at asawa nitong si Rosario Murillo.


Hinala nang marami na may kinalaman sa isyung politica ang naging isyu ng National Director ng Miss Universe Nicaragua na si Karen Celeberrti na minsan na ring nakulong noong 2019, dahil kritiko siya ng Nicaraguan Government.


Naunang nagbunyi ang mga Nicaraguan citizens sa pagkakatanghal kay Sheynnis Palacios bilang kauna-unahang Miss Universe ng Nicaragua.


Subalit kamakailan lamang ay kinondina ni Murillo ang pagdiriwang na ito.


Pahayag ni Rosario Maurillo, "They intend to turn a beautiful and well-deseerved moment of pride and celebration into a destructive coup."


Pinaghihinalaan na may kinalaman ang reaksyon ni Rosario Murillo sa mga lumitaw na larawan ni Sheynnis Palacios noong sumali ito sa isang kilos protesta laban sa pamahalaan na pinamumunuan ng kanyang asawang si Daniel Ortega.


Social Communications graduate si Palacios sa isang University na ipinasara noon ni Ortega dahil sa mga estudyanteng kritiko ng kanyang pamamalakad.


Samantala, narito naman ang isang saloobin ng kilalang mamahayag patungkol sa pagiging Miss Universe ni Sheynnis Palacios.


"As a communicator, she is well aware of the problems that Nicaragua faces, especially poverty and many inequalities.


"Her triumph, in this beauty contest, must take her, not only to help many girls, as she said before receiving the crown, but to give a message to her people, to the world. You need to have a change in government.


"Miss Palacios, you know that Ortega, your president, who is not loved by many nations, and by many Nicaraguans, because he is an anti-democratic government, he has exiled those who are not in favor of his government, has political prisoners, has closed newspapers, has persecuted journalists, has silenced the voice of Catholics and many atrocities against humanity.


"Ortega has made a mockery of the Magna Carta. The Sandinista regime is the first thing he will have to deal with."


Naniniwala din ito na ang pgkakatanghal kay Sheynnis Palacios bilang Miss Universe 2023 ay maghahatid ng liwanag ng pag-asa para sa Nicaragua.


Samantala, hindi pa inihahayag ng Miss Universe Organization kung kailan makakabalik sa Nicaragua si Sheynnis Palacios para sa kanyang grand parade.


Nangangamba rin ngayon ang mga tagahanga ni Sheynnis na baka magkaroon ng problema sa kanyang pagbabalik dahil sa mga political issues.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo