Daniel Padilla, Kathryn Bernardo Pinaaamin Ng Fan Sa Kanilang Hiwalayan

Huwebes, Nobyembre 16, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi lahat ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay natutuwa sa pananahimik nila sa gitna ng isyu ng kanilang hiwalayan.


Hindi rin naniniwala ang ilan na maayos pa rin ang kanilang relasyon. May ilang fans ngayon ng KathNiel ang nagdududa at nag-aalinlangan na sa relasyon ng dalawa.


May mga naniniwala nang naghiwalay na sila, ito'y sa kabila ng mga videos at larawan kung saan makikita silang sweet sa isa't-isa.


Hinala ng mga fans, na baka ginagawa na lamang nila ito upang hindi mabigla ang kanilang mga tagahanga o kaya naman ay ginagawa na lamang nila ito para sa kanilang loveteam.


“Hoy KathNiel, wag niyong gawing tanga ang mga fans niyo, just come out in the open, sabihin niyong totoo. Hindi niyo lang alam ang panic na ibinigay niyo sa mga fans, sakit ng dibdib. Hindi kayo deserve sa mga loyal at die hard fans niyo. Goofluck na lang, liars!


“ps kung hiwalay na ang KathNiel sana umamin nalang sana sila... para hindi na mag-overthink tayong mga fans nila.”


Tila hindi nakumbinsi ang fan na ito sa mga naglabasang mga larawan at videos kung saan makikitang nagsasayaw sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


May mga larawan pa kung saan magkahawak ng kamay ang dalawa at hinahalikan ni Daniel ang kamay ng aktres.


May mga naghinala pa na gumagawa lamang ng ingay ang KathNiel upang mapag-usapan.


Sa kabila nito, ipinagtanggol naman ng ilang mga loyal fans ang KathNiel kung saan ipinahayag nilang hindi na kailangang gumawa ng drama ang magkasintahan dahil mga sikat naman ito sa ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo