Detalye Ng Pamamaalam Ni Kim Chiu Sa Character Na Si Juliana Lualhati

Biyernes, Nobyembre 17, 2023

/ by Lovely


 Trending at naging usap-usapan sa iba't-ibang social media platforms ang pagtatapos ng hit Prime video series na Linlang na pinagbibidahan ni Kim Chiu.


Nagbigay ng samu't-saring emosyun sa mga manonood at tagasubaybay ang nasabing serye lalo na ang papel na ginampanan ni Kim Chiu bilang si Juliana Lualhati.


Marami ang nagalit, nainis, nayamot, at napamura sa karakter na ito ni Kim Chiu subalit sa huli ay minamahal na rin ng marami.


May pahabol na tanong ang aktres na si Kim Chiu sa mga tagasubaybay ng hit Prime series na Linlang sa pagpapalabas ng huling episode nito.


“Kamusta naman ang finale? Ganda nung smile ni Juliana oh! pero bawal umutang ah.”


Samantala, ipinahayag naman ni Kim Chiu sa isang social media post ang kanyang pasasalamat sa mga nakasama niya sa trabaho.


Binigyang pugay din ng aktres ang kanyang naging karakter bilang si Juliana Lualhati na kinasusuklaman ng ibang mga manonood. Inamin rin niya na una siyang natakot na gampanan ang ganitong karakter na malayo sa kanyang mga nakasanayan na.


"JULIANA LUALHATI 🖤 a character you love to hate, but love and hate all come down to what matters. Thank you, Juliana. At first, I was really scared to do you, but you showed me that you’ll never know what’s in there if I don’t jump out of my comfort zone."


Nagpapasamalat din si Kim Chiu sa Dreamscape sa tiwalang ibinigay nito sa kanya at sa paniniwalang kakayanin niya ang karakter ni Juliana.


"Thank you, @dreamscapeph sir deo_endrinal for the trust and for giving me this wonderful project."


Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa lahat ng mga directors na gumabay sa kanya upang maging maayos ang kanyang pagganap sa bawat eksena. Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa mga writers na siyang gumawa ng magagandang karakter sa serye.


 "Thank you to my directors, Direk @direkfmreyes @jojosaguin , for guiding me throughout the series. To our creatives, writers, and everyone behind #Linlang maraming maraming salamat. To my excellent, brilliant co-stars hand down, saludo ako sa inyong lahat. "


Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa lahat ng mga naging kasama niya sa serye kabilang na sina Paulo Avelino, JM De Guzman, Maricel Soriano, Kaila Estrada, Heaven Peralejo, bukod sa iba pa.


"Thank you for challenging me and for bringing out the best in me. Pag kaeksena ko kayo kinakabahan ako lagi kailangan kumeep up. I am proud to be a part of this stellar casting."


Aminado naman ang aktres na nahihirapan siyang magpaalam sa karakter niyang si Juliana na malayo sa mga nauna niyang ginampanan noon.


"It is hard to say goodbye. But I want to say THANK YOU, thank you JULIANA. It was indeed a rollercoaster ride of emotions."


Nagpapasalamat din si Kim Chiu sa lahat ng mga tagasubaybay sa kanilang serye.


"Thank you po sa lahat ng sumuporta, nagabang tuwing Thursday, for making LINLANG part of your week, a barkadahan experience, and family bonding. I love all your comments on social media, memes, and many more. No words can explain how thankful I am to each and every one.  My heart is full! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!! Thursdays will never be the same."


Hindi rin kinalimutan ni Kim Chiu na pasalamatan ang Prime Video Ph na siyang naging dahilan upang mapanood sa buong mundo ang kanyang serye.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo