Inanunsyo ng Philippine National Police na kumuha na sila ng DNA samples sa sasakyan kung saan naiulat na inilipat ang nawawalang Miss International Philippines 2023 na si Catherine Camilon noong October 12, 2023.
Abandonadong sasakyan ay nadiskubre ng mga awtoridad nitong Martes sa isang liblib na barangay sa Batangas.
Ayon sa ulat ng pulisya, ilang hibla ng buhok at dugo ang kanilang nakita sa loob ng sasakyan, na sumusuporta sa testimonya ng mga testigo na nagsasabi na nakita nilang duguan si Catherine Camilon habang kinakaladkad ng mga suspek.
Kumuha na rin ang mga pulis ng DNA samples mula sa pamilya ni Catherine Camilon.
Hanggang ngayon, ang pangunahing suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon na si Major Allan de Castro, ay nanatiling tahimik tungkol sa posibleng kinaroroonan ng beauty queen, na umano'y kanyang karelasyon.
Patuloy pa rin nitong pinapabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya. Ang inamin lamang nito ay ang kaugnayan at totoong relasyon nila ni Catherine Camilon.
Samantala, tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulo ng pag-ibig dahil nalaman nilang gusto ni Catherine Camilon na wakasan ang relasyon nila ni Major Allan De Castro matapos itong makaranas ng pang-aabuso sa kanyang pakikipagrelasyon sa pulis.
Naniniwala naman ang ilang mga netizens na patay na ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatagpuan.
Gayunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamilya ni Catherine na makakauwi pa ng maayos ang kanilang mahal sa buhay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!