Hiwalayan Issue Nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Alamin

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nag-aalala ngayon sa mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Matapos ang kanilang pagsasama sa loob ng 11 years bigla na lamang pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa.


Bukod sa kawalan ng mga posts at interactions nila sa social media, ilang beses na ring nagbahagi ng cryptic posts si Sarah Lahbati sa kanyang social media account na lalo pang nakadagdag sa mga agam-agam ng mga netizens.


Hindi napigilan ng ilang mga netizens na tanungin ang kasalukuyang status ng celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati matapos mapansin na tila may kakaiba sa kani-kanilang mga social media accounts.


Marami ang nakapansin na hindi na nagbabahagi ng mga larawang magkasama ang mag-asawa sa kanilang mga accounts tanging mga larawan na lamang ng mga anak.


Kahit nitong Halloween season, kapansin-pansing walang pino-post ang dalawa tungkol sa isa't isa at nag-post lang ng mga larawan kasama ang kanilang mga anak sa kanilang mga social media accounts.


Tila magkahiwalay pa nila itong ipinagdiwang at nagsalitan lamang sa kanilang mga anak.


Naging big deal ito sa mga netizens dahil hindi ganito ang pagkakakilala nila sa dalawa. Kilala sina Sarah Lahbati at Richard Guttierrez bilang couple na very expressive sa kanilang pagmamahalan.


Hindi rin nakita si Sarah Lahbati sa birthday celebration noong October 31 ni Annabelle Rama, bagay na hindi umano pangkaraniwan.


Bukod dito, hindi rin dumalo si Sarah sa Opulence Halloween party na inorganisa ng kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez na kilala ring malapit kay Sarah.


Samantala, hindi rin nakita noon si Richard nang ipagdiwang ni Sarah Lahbati sa Siargao ang kanyang 30th birthday. Tanging ang mga anak at magulang lamang ni Sarah ang naroon.


Kamakailan lamang ay nagbakasyon rin sina Sarah Lahbati at kanyang mga anak sa Camarines Sur, subalit hindi pa rin nila kasama si Richard.


“How come Sarah is no longer in the picture??? I noticed that on Sarah post too. You are missing in her recent escapades… Are you still together?”


“Napansin ko rin to. Kinabahan an ko mula nung magpalit ng pfp si Sarah sabay iba din ng bio nya. Tas yun nga hindi sya supportive as mga ganap ni Chard. Tinanggal nya rin young mga tagged photos as IG pag andun si Richard. Weird kasi andun si Richard as event nung Casa Selma pero hindi pinost ni Sarah Parang pinagmumukha nyang walang support. huhu.”


“Parang crpytic din posts nya. Naalala ko young vid ng Barbie an pinost sya sa stories. Negative nya rin young tagged posts as IG pag andun si Rhcard.”


Gayunpaman, nananatiling tikom ang bibig nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa nasabing isyu. Nanahimik lamang sila at tila dinededma ang pang-iintriga sa kanilang pamilya.


Itinuloy ng matagal nang celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang kasal noong March 14, 2020 sa parehong linggo na ipinatupad ang lockdown sa Metro Manila. Nangyari ang intimate ceremony matapos ipagpaliban ng dalawa ang kanilang engrandeng kasal na unang itinakda sa isang luxury hotel sa Taguig City.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo