It's Showtime No.1 Sa Buong Pilipinas, Magpasikat 2023 Magsisimula Na!

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


 Sa pagbabalik telebisyon ng It's Showtime, matapos ang pagkakasuspinde sa loob ng 12 days, nasaksihan ng mga madlang pipol ang pagkorona sa kauna-unahang Mini Ms. U. 


Sa araw ding ito nakakuha ang It's Showtime ng 6.9% audience share base sa data ng KANTAR Philippines National TV Ratings. Mas mataas ito sa mga nakuha ng katapat nilang noontime show na E.A.T at Eat Bulaga.


Sa kabilang banda, simula ngayong linggo, mapapanood na ang It's Showtime sa mas pinaagang oras. Mapapanood ang nasabing show, 11:30 am nang lunes hanggang byernes. Habang mananatili naman ito sa 12:00 NN tuwing sabado.


Inaasahan din ngayon ng mga netizens ang nagbabalik na Magpasikat na opisyal na magsisimula sa darating na November 6, 2023.


Ito ang matagal nang hinihintay ng mga madlang pipol ang Magpasikat 2023 bilang pagsi-celebrate nila sa kanilang nalalapit na 14th year anniversary.


Inaabangan din ngayon ng mga madlang pipol kung sino-sino ang magkakasama sa grupo at magpapamalas ng kanilang mga talento araw-araw.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo