Usap-usapan ngayon sa social media ang prime series na kinabibilangan nina Kaila Estrada at Anji Salvacion na Linlang.
Matatandaan na nakakatanggap ng samu't-saring pambabatikos si Anji Salvacion dahil sa umanoy ligwak na pag-arte nito. Kahit magkada-duling na ito sa pag-arte ay wala pa rin.
Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng papuri si Kaila Estrada dahil sa pag-arte nito na nakadala sa maraming manonood.
Sa gitna papuring natatanggap ngayon ni Kaila Estrada sa kanyang magaling na pagganap sa kanyang role, tila naglabas naman siya ng pahayag kung saan ipinagtanggol niya ang kanyang co-star na nakakatanggap ngayon ng pambabatikos.
Kamakailan lamang ay muling nagviral ang isang eksena mula sa Linlang na kinabibilangan ni Anji.
Sa eksena, makikitang inawat ni Anji Salvacion ang nagsasabunutang sina Kim Chiu at Kaila Estrada.
Muling napataas ang kilay ng mga netizens sa pag-ayos ni Anji Salvacion sa kanyang buhok at sa hindi maintindihan na boses nito.
May ilang mga netizens naman ang talagang concerned sa pag-arte ng aktres kaya nila pinupuna ito.
Nais lamang umano ng mga netizens na ito na mapansin ni Anji Salvacion ang kanyang mga kakulangan pagdating sa pag-arte.
Gayunpaman, hindi rin maitatanggi na may mga netizens talaga na below the belt na ang pamumuna sa acting skills ni Anji Salvacion.
Hindi naman ikinatuwa ni Kaila Estrada ang mga nababasa niyang pambabatikos kay Anji Salvacion. Sa isang panayam tahasang inamin ni Kaila Estrada na hindi na nakakatuwa at nakakawala na umano ng confidence ang mga pambabatikos kay Anji.
Nakikiusap din si Kaila Estrada sa mga netizens na sana huwag naman ganun ka-harsh ang mga komento laban sa kanyang co-star na si Anji Salvacion.
"I understand that criticism is part of it, di ba? I mean, we welcome it, kasi we learn from the criticism that we receive.
"But I think, some people may have taken it too far. And I really hope that you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online.
"Kasi siyempre, hindi naman natin alam yung magiging effect nun sa kanya. I hope people can be nicer," saad ni Kaila.
Sa kabilang banda, inamin naman ni Kaila Estrada na napi-pressure din siya sa mga kasamahan niya sa serye na kilala na sa larangan ng pag-arte.
"I think part na rin yun dun sa challenge na the cast, of course, sobrang powerhouse. And siyempre medyo kinabahan din ako and also siyempre mas mature yung role.
“I guess, yung preparation and yung emotional investment ko dun sa character, definitely mas mabigat, mas malalim.
"I was nervous din kung tatanggapin ng mga tao kung ako yung gaganap. I'm grateful to everybody that supporting din na and I'm really grateful din for the feedback that I've gotten so far.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!