Kathryn Bernardo Inunfollow Si Andrea Brilliantes Sa Instagram

Biyernes, Nobyembre 17, 2023

/ by Lovely


 Lalong umingay ang isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang pagkakadawit ni Andrea Brillantes nang mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na ngayon si Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes sa Instagram.


Napansin ng mga netizens na in-unfollow na ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang kapwa niya Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa gitna ng mga tsismis na lihim na nakipagkita ang huli kay Daniel Padilla.


Agad na napansin na hindi na kasama si Andrea Brillantes sa fllowing list ni Kathryn sa Instagram, dahil dito, muling napag-usapan ng mga netizens ang haka-haka na may basehan ang impormasyong ibinunyag ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz.


Matatandaan na naisiwalat noon ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriented vlog na Showbiz Updates ang nakarating sa kanyang chismis na matagal nang naghiwalay ang KathNiel.


Gayunpaman, nilinaw naman noon ni Ogie Diaz na hindi pa kumpirmado ang nasabing balita. Hiniling pa niya noon sa dalawa na magsalita na hinggil sa nasabing isyu.


Hindi ito nagustuhan ng mga netizens at mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sinisiraan umano ni Ogie Diaz ang longtime celebrity couple.


Subalit, muling uminit ngayon ang isyung tila may katuturan talaga ang naiulat ni Ogie Diaz at nang iba pang mga kolumnista hinggil sa kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes dahil sa pag-unfollow ni Kathryn sa dalaga.


Gayunpaman, nanatiling naka-follow sa isa't-isa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 


Samantala, narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


“Kathryn unfollow na ang sino deserve ma unfollow, cut those people who make fun at your back, those people who tolerate that guy wrong doing. You’re peace of mind and soul is all we wanted as your fan.” 


“Stop invalidating Kathryn’s feelings. She can follow/unfollow, block, and mute anyone. For heaven’s sake, she’s not a robot!!!! Free Kathryn from these manipulative/delusional fans!!! She deserves love and only love!!!” 


“HA HA HA KATHRYN BERNARDO UNFOLLOWED ANDREA BRILLANTES IS THE STRONG EVIDENCE OF THE AFFAIR. NOTE THAT KATHRYN BERNARDO ALSO UNFOLLOWED JASMINE CURTIS WHEN IT HAPPENED. KATHRYN SHOULD ALSO UNFOLLOW DANIEL PADILLA, HER CHEATER EX-BOYFRIEND, HINDI LANG DAPAT SI ANDREA.”


"Ilang beses na pinatawad ni Kathryn si DJ. She has been holding the relationship for so long kahit ginagawa na siyang tanga. Things happened for reason hindi sila sa isat isa. Masakit yan dahil first bf and first love. She deserve a better. She worth so much more. Sana ma realize niya yan."


"Hay ano ba yan ..lumalabas na talaga kong anong dugo ang nananalaytay kay dj..pinaghalong Ford at Padilla wala na ...basta ako love ko c Kath"


Sa kabilang banda, hindi naman nagbibigay ng pahayag si Andrea Brillantes at maging si Kathryn Bernardo hinggil sa nasabing isyu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo