Kilalanin Ang Boses Sa Likod Ng ABS-CBN Christmas Station ID 2023

Biyernes, Nobyembre 17, 2023

/ by Lovely


 May pahabol na pasabog ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa pagtatapos ng taon, patunay na talagang nagbabalik na siya sa showbiz.


Ginulat ni Sarah Geronimo ang kanyang mga fans sa kanyang paglabas sa ABS-CBN Christmas Station ID ngayong taon.


Agad naman itong pinang-usapan ng mga netizens sa social media kung saan ipinahayag nila ang excitement sa pagkanta ni Sarah Geronimo.


Noon pa man ay palaging napapakinggan ang boses ni Sarah Geronimo sa mga Christmas Station ID ng Kapamilya Network, parang kulang ang kanta kapag hindi kasama si Sarah.


May mga nagsasabi pa maituturing Queen of Christmas Station ID ng ABS-CBN si Sarah Geronimo dahil bawat linya niya sa kanta ay tumatatak sa mga manonood.


Sa kabilang banda, may inamin si Sarah Geronimo patungkol sa natanggap na malaking offer mula sa kabilang network. 5X higher na talent fee ang inoffer sa singer para lamang lumipat ito.


Hinala naman ng mga netizens na ang GMA7 ang nag-offer kay Sarah Geronimo dahil napabalita na rin noon ang paglipat ng aktres.


Gayunpaman, nilinaw noon ng GMA7 na hindi lilipat si Sarah subalit, handa umano nila itong tanggapin sakali man.


“Hindi yata, but who wouln’t want to have Sarah right? Sana in the future,” pahayag ng isang Kapuso executive.


Samantala, ipinakita ni Sarah Geronimo ang kanyang loyalty sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pananatili niya sa nasabing network sakabila ng kawalan nito ng prangkisa.


Si Sarah Asher Tuazon Geronimo-Guidicelli ay isang Pilipinong mang-aawit at artista. Tinukoy bilang "Popstar Royalty", kilala siya para sa kanyang musical versatility at performances.


Siya ay nakatanggap ng iba't ibang mga awards, kabilang ang isang Mnet Asian Music Award, isang MTV Europe Music Award, isang Classic Rock Roll of Honor Award at isang World Music Award.


Sumikat si Sarah Geronimo noong 2002 matapos manalo sa talent show sa telebisyon na Star for a Night. Pumirma siya ng kontrata sa pag-record sa Viva Records at inilabas ang kanyang debut album na Popstar: A Dream Come True noong sumunod na taon. 


Kasunod ng tagumpay ng album, inilabas niya ang kanyang pangalawang album na Sweet Sixteen noong 2004. Ang kanyang susunod na dalawang album, Becoming (2006) at Taking Flight (2007) ay minarkahan ang kanyang paglipat patungo sa adulthood. 


Kasama sa kanyang ikalabindalawang studio album, The Great Unknown, na inilabas noong 2015, ang kantang "Tala", na naging viral hit sa pagitan ng 2019 at 2020.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo