Binalikan ng mga netizens ang nakaraang interviews at mga tweets ng aktor na si Paulo Avelino kahit pa noong nasa GMA7 pa lamang ito noon.
May mga naibahaging impormasyon noon si Paulo Avelino hinggil sa pangarap niyang makasama sa iisang proyekto.
Base sa mga naging tweet noon ni Paulo Avelino, makikitang kahit noong nasa Kapuso network pa lamang ito ay pangarap na niyang maitambal sa Kapamilya actress na si Kim Chiu.
Natupad naman ang pangarap na ito ng aktor ng matapos ang ilang taon ay nakatambal na rin niya ang pinapangarap na si Kim Chiu sa digital series na Linlang.
Hindi lamang basta nagkatambal ang dalawa dahil nag-click sa mga netizens at manonood ang kanilang chemistry kaya naman muling nasundan ng panibagong project ang dalawa.
Muling nagkatambal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa Philippine adaptation ng hit South Korean romantic comedy drama na What's Wrong with Secretary Kim?
Dahil sa requests at kahilingan ng mga fans, muling pinagtambal ang dalawa na inamin naman ni Paulo Avelino.
Si Michael Paulo Lingbanan Avelino, ipinanganak noong May 13, 1988, ay isang Pilipinong artista, mang-aawit, modelo, at prodyuser ng pelikula.
Nagbida siya sa maraming hit na serye sa telebisyon tulad ng Walang Hanggan (2012), Bridges of Love (2015), at The General's Daughter (2019).
Sa mga pelikula, ang isa sa kanyang pinakakilalang mga gawa ay ang kanyang paglalarawan kay Gregorio del Pilar sa Philippine war epic na Heneral Luna (2015), na kanyang muling ginawa sa isang pamagat na papel para sa sequel nito, Goyo: Ang Batang Heneral (2018).
Kabilang sa iba pang kilalang pelikula ni Avelino ang Pagpag: Siyam na Buhay (2013), I'm Drunk, I Love You (2017), at Fan Girl (2020).
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!