Kylie Ipinaglaban Marriage Nila Ni Aljur, Ayaw Makipaghiwalay

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong November 3, 2023 isiniwalat ni Kylie Padilla na ipinaglaban niya hanggang sa dulo ang marriage nila ni Aljur Abrenica subalit hindi sila ipinaglaban ni Aljur.


Inilahad din ni Kylie Padilla sa nasabing episode ng programa ni Boy Abunda kung ano ang pinakaimportanteng leksiyon na natutunan niya sa naging relasyon nila ng kanyang estranged husband.


“Medyo cliché eh, but I wish nagtira ako para sa sarili ko. Kasi, I gave my all talaga,” pahayag ni Kylie Padilla.


Ipinahayag pa ni Kylie Padilla kung paano niya ipinaglaban noon ang kanilang marriage ni Aljur Abrenica sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan nila bilang mag-asawa.


Hindi umano siya bumitaw sa kabila ng paghihirap niya sa kanilang relasyon dahil ayaw niyang magkaroon ng broken family na katulad niya ang kanyang mga anak.


“For a time, sa relationship namin, there was a point in my life na… dadaanan n’yo talaga, as people in relationship will go through struggles, mayroon talaga, kasama talaga ‘yun.


"But because I made the promise of marriage even if sabi ko sa sarili ko, ‘Okay if I’m unhappy now and magiging ganito na ang setup namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko. Inubos ko… nauwi din sa hiwalayan.


“Galing ako sa broken family, so ayokong matulad like, I hate it when people say, ‘Artista ‘yan, palit-palit lang’… but people don’t know how much it hurt me,” emosyunal na pag-amin ni Kylie.


Dagdag pang pag-amin ni Kylie Padilla na kahit nahihirapan siya sa pagdaan sa postpartum stage, ipinaglaban pa rin niya at pinanindigan ang marriage nila ni Aljur subalit hindi umano ito sinuklian ng dati niyang asawa.


Nagpakasal umano si Kylie Padilla sa kabila ng hindi niya paniniwala sa kasal para lamang magkaroon ng buong pamilya ang kanyang mga anak at hindi matulad sa kanya.


Subalit sa huli ay iniwan pa rin siya at nangyari sa kanyang mga anak ang pinagdaanan niya noon nang maghiwalay rin ang kanyang mga magulang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo