Mga Pulis Wala Ng Nakikitang Proof of Life Kay Catherine Camilon

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely


 Inamin na ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Region 4-A na wala na silang nakikitang proof of life sa nawawalang Miss Grand Philippines contestant na si Catherine Camilon.


Sa kabila nito, patuloy pa rin umano ang pangangalap ng ebidensya upang matagpuan si Catherine Camilon, buhay man ito o hindi na.


Sa ngayon ay may nakalap na umano silang nakalap na mga impormasyon na maaring may kaugnayan sa pagkawala ni Catherine Camilon.


Ayon sa PNP Spokeperson na si PNP Chief Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang back tracking sa mga CCTV, kahit halos magdadalawang buwan nang nawawala si Catherine Camilon.


May mga nakita umano silang lugar kung saan dumaan ang pulang CRV kung saan isinakay si Catherine Camilon.


Sa kabila ng mga impormasyong ito, hindi pa rin natutukoy ng mga pulis ang eksaktong lokasyon ng pinagdalhan kay     Catherine Camilon.


Matatandaan na nauna nang naiulat na malinis at walang bakas ng mga fingerprint mula sa mga kidnapper na nakuha sa loob ng sasakyan at tanging bakas na lamang ni Catherine ang naiwan.


Naging malaking tulong naman para sa mga pulis ang pagkakamatch ng mga DNA results na naiwan sa sasakyan at ng mga magulang ni Catherine Camilon dahil kahit papaano ay nalaman ng mga kapulisan kung saan isinakay si Catherine Camilon.


Sa ngayon, ay sinampahan na ng kasong carnapping ang dalawang indibidwal na huling nagmamay-ari sa sasakyan na ginamit ni Catherine Camilon bago siya mawala.


Gayunpaman, nanatiling tikom ang mga bibig ng mga itinuturong suspect sa kaso at patuloy na pinabubulaanan ang mga kasong isinampa sa kanila.


Samantala, itinakda na ang preliminary investigation sa kaso sa darating na December 19, habang sa darating naman na January 9, 2024 inaasahan na magpapasa ng counter affidavits ang mga itinuturong suspect sa kaso na sina Allan De Castro, ang kanyang driver at bodyguard na si Jeffrey Magbantay at dalawang pang indibidwal.


Sa ngayon ay may gagawin pang ibang DNA Tests sa nakuhang ibang hair strands mula sa sasakyan na pinaghihinalaan na mula sa mga suspek.


Hindi pa ito napo-proseso dahil hinihintay pa ang consent mula kay Allan De Castro na siyang primary suspect sa kaso.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"Sana .makulong habang Buhay Ang may kagagawan pgkamatay at pgkawala ni Catherine,condolence po,kawawa,hwag po mawalan ng PG asa sa Buhay"


"Isama yan sa kulangan ang mga suspects, husband at legal wife ilagay mo sa may maraming inmates para magtino sila, ilagay sa kulangan tag iisa nila na merong mababangis na mga inmates para tudas iisa sa kanila para pantay pantay na closure na."


"Ang mismong mga pulis na sinasabing malabo ng buhay si camilon. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli ang pumatay. May mga tistigo na."


"Wala nang aasahan yan.ako ang hula ko lang sa  kasong niya malabo mapatunayan.

Habang tumatagal lumalabo.ang kahihinatnan."


"Unsolved case dhil ang may hawak ng kaso may pinoprotektahan. Nahuli na un driver/bodyguard bakit dipa maituro asan na c catherine. Patagal ng patagal mauuwi Å•in sa wala."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo