Ginulat ni Michelle Marquez Dee ang lahat sa kanyang ipinakitang performace sa National Costumes competition sa Miss Universe 2023.
Ipinakita na ni Michelle Dee ang kanyang full potential sa nangyaring competition ngayong araw. Kung saan marami ang napahanga sa kanya.
Maririnig sa live ang paghiyawan ng audience nang pumasok ang ating kandidata na si Michelle at inirampa ang kanyang National Costume.
Ang National Costume ng Philippines representative ngayon sa Miss Universe 2023 na si Michelle Dee ay ginawa ng isang kilalang Pinoy designer at artist na si Michael Barassi.
Si Michael Barassi rin ang gumawa ng National costume ni Michelle Dee nang sumabak ang beauty queen sa Miss Universe Philippines nitong taon.
Nauna nang hinangaan si Michelle Dee sa kanyang National Costume dahil na rin sa maganda pagkakagawa ni Michael Barassi rito.
Samantala, nauna nang naiulat ang muling pagpapatawag kay Michelle Dee sa backstage pabalik sa stage para sa isang special interview matapos ang Preliminary competitions.
Hinala naman ngayon ng mga Filipino pageant fans na malaki ang tyansa na makakapasok sa Top si Michelle. Hinala din ng ilang mga netizens na isa si Michelle sa tatlong gold winner ng Voice for Change.
Sa kabilang banda, umaasa ngayon ang ilang mga fans na si Michelle Dee na ang makakasungkit sa 72nd Miss Universe crown. Iuuwi na rin umano ni Michelle ang ikalimang korona nang bansa sa Miss Universe.
Matatandaan na unang Pilipina na kinoronahan bilang Miss Universe ay si Gloria Diaz noong 1969. Sinundan naman ito ni Margarita Moran noong 1973, Pia Wurtzbach na kinoronahang Miss Universe noong 2015 at Catriona Gray na nag-uwi ng korona noong 2018.
Noong 13 Mayo 2023, nanalo si Dee bilang Miss Universe Philippines 2023. Naiuwi rin niya ang mga special awards bilang Miss Aqua Boracay, Miss Pond's, Miss Zion Philippines, at ang best in evening gown award. Mayroong dalawang question-and-answer rounds noong finals. Sa unang round, tinanong si Michelle Dee: “Income inequality is still high in the Philippines. The gap between the rich and the poor remains. How do we close the gap?”
Sagot naman niya, "I think first, we have to recognize what we have and the privileges that we have such as food, education, and homes. I think the best way to address this is through education because education holds no status quo.
"Every Filipino child has the right to an education, but not just any education, but quality education. Because I believe if the government can provide this to every Filipino child, we can not only elevate their quality of life, but we can empower them as well."
Narito naman ang ikalawang tanong para kay Michelle Dee at ang kanyang isinagot: "The Department of Tourism has adopted a new branding campaign: 'We Give the World Our Best.' For you, what is the best that we could offer to the rest of the world? Why do you consider it so?"
"The Philippines is home to very beautiful natural resources, from the beaches to the mountains, but I firmly believe that the best natural resource that the Philippines has is us Filipinos.
"We are the true heart and soul of the Philippines, with the way we are hospitable, with the warm smiles, and we are the reason the world keeps coming back for more. No matter where the universe takes me, I will always be proud to call the Philippines my home, and no matter what happens, I will always be proud to call myself Pinoy."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!