Nagbigay na ng pahayag ang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na si Michelle Dee patungkol sa pagkakamali ng Miss Universe El Salvador, kung saan napabilang ang kanyang pangalan sa mga nakapasok sa top 5.
Kaagad namang binura ng Miss Universe El Salvador ang nasabing post, subalit tila nahuli na ang lahat dahil marami nang mga Pilipino ang nakakita ng post at nakakuha ng mga screenshots.
Lalong uminit ang ulo ng mga Pinoy fans ni Michelle Dee dahil sa pangyayaring ito. Dahil din sa insidenteng ito, tila nabahiran ang reputasyon at kridibilidad ng Miss Universe Organization.
Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Miss Universe El Salvador sa kanilang pagkakamali at ipinahayag na narinig nila ang announcement kung saan si Thailand talaga ang nanalo, nakamali lamang sila sa pagsusulat ng pangalan. Humihingi rin sila ng paumanhin sa dalawang kandidata.
"Our mistake! In the rush to get our posts up during Saturday's live broadcast, we accidentally mixed up the names oft wo finalists. This was a simple error of moving too fast - we heard the same results live at the same time that you all did, no special access over here! We're sorry to both finalists."
Samantala, nagbigay ng pahayag si Michelle Dee hinggil sa pangyayaring ito kung saan naniniwala siya na may dahilan ang lahat ng mga nangyayari, maging ang 'mistaken post' ng Miss Universe El Salvador.
"I'm one that believes everything happens for a reason, even their 'mistaken post' happened for a reason and it's just a matter of seeing it as a lesson or a blessing."
Gayunpaman, naniniwala umano si Michelle Dee na ang mga prestigious pageants na kagaya ng Miss Universe at ang host country nito ay dapat na maging mas maingat upang maiwasan ang mga pagkakamali. Hindi lamang umano para sa mga delegates kundi maging sa kanilang mga supporter as well.
"If anything though, especially in a prestigous pageant like Miss Universe and most especially from the official host country's official Instagram page, they should be more cautious and respectful not just to the delegates but the supporters that are truly passionate about this platform."
Dagdag pa ni Michelle, na ang tanging layunin lamang niya ay maging proud sa kanya ang Pilipinas, naniniwala rin naman siya na kahit hindi niya naiuwi ang korona ay na-achieved niya ito.
"Ultimately my goal was to make my country proud and I believe I achieved that with or without the crown."
Sa kabila ng paniniwala niyang dapat walang maging mali hindi nama ito maiiwasan dahil nabubuhay naman tayo sa isang unperfect world.
"There should be no room for error, but the reality is that we live in an imperfect world."
Kasalukuyang nasa Mexico ngayon si Michelle Dee kasama ang iba pang mga delegates ng Miss Universe 2023 kung saan nilibot nila ang lugar at naging guest sa iba't-ibang mga TV-shows.
Sa Mexico gaganapin ang Miss Universe 2024 pageant sa susunod na taon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!