Nabahala ang mga tagahanga at supporters ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee nang kumalat ang ulat na naaksidente ito sa isang pageant activity.
Unang kumalat sa ilang mga social media platforms ang balitang naaksidente sa El Salvador ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 sa isang activity.
Sa El Salvador gaganapin ang Miss Universe 2023 magaganap naman ang grand coronation nito sa darating na November 18, 2023.
Samantala, nang makarating kay Michelle Dee ang hindi makatotohanang balita na kumakalat sa social media kaagad siyang naglabas ng pahayag.
Sa pamamagitan ng kanyang mga social media account ipinahayag niyang hindi makatotohanan ang isyu at maayos ang kanyang kalagayan roon.
“Idk where the rumor came from that I got into accident but don’t believe it. We’re all good!" saad ni Michelle Dee sa kanyang Twitter post.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ni Michelle Dee para sa nalalapit na preliminary competition ng Miss Universe pageant this year at sa inaabangang grand coronation.
Positibo ang ilang mga pageant fans at followers ni Michelle Dee na maiuwi niya sa bansa ang panibagong corona ng Miss Universe dahil sa taglay niyang confidence sa pagsabak sa competition.
Dagdag din umano sa puntos ng actress-beauty queen ang kanyang positive aura na nakikita sa kanyang mga performance na napansin ng kanyang mga tagahanga at iba maging ng kapwa niya kandidata.
Samantala, kumakalat ngayon ang mga usap-usapan na nangunguna umano ang pambato ng Pilipinas sa may pinakamataas na boto para sa Voice for a Change segment ng Miss Universe.
Dahit dito, malaki ang pasasalamat ng Miss Universe Philippines Organization sa suportang natatanggap ni Michelle Dee sa nasabing online poll.
“Salamat, Pilipinas! Thank you to all the supporters, pageant fans, bloggers, FB Groups, queens, talents, influencers, and general public who have been continously helping.
“Through Bayanihan, we have achieved the top spot for Miss Universe Philippines Michelle Dee in the Voice for Change category.”
Nananawagan din ang Miss Universe Philippines Organization sa mga Pilipino na bumuto kay Michelle Dee sa pamamagitan ng website ng CITalks.
Sa Voice for Change category binibigyan ng pagkakataon ang mga kandidata sa pamamagitan ng 3 minute video na ibandera at ihayag ang kanilang adbokasiya at hikayatin ang buong Universe na maki-isa sa kanilang mga ipinaglalaban.
Samantala, sa isang panayam noon kay Michelle Dee, ipinahayag niya ang dahilan kung bakit nagpaputol siya ng buhok ilang araw bago ang grand coronation ng pageant.
Nais umanong iparating ng pambato ng Pilipinas ang isang mahalagang mensahe sa naturang beauty contest para sa Universe ang kaugnayan sa kanyang ipinaglalaban.
Sa isang video ipinahayag ni Michelle na ang pagpapaikli niya ng buhok bago lumipad sa Amerika para ipagpatuloy kanyang training ay upang ipakita ang kanyang paniniwala na, 'Everyone can shine in their own individuality'.
“I really believe it highlights my personality. You know being in the pageant with short hair symbolizes breaking the barrier.
“And it symbolizes what I truly stand for also which is to empower everyone that you don’t have to fit in just to become Miss Universe.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!