Iba-iba ang ginawang gimik ng mga kandidata sa Miss Universe sa ikatlong araw ng kanilang grand rehearsal para sa nasabing beauty pageant.
Ikinagulat naman ng mga Filipino fans at maging ng ilang mga candidate ang isinigaw ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee ang kanyang intro.
Hindi inasahan ng marami na wikang Espanyol ang gagamitin ni Michelle Dee para sa kanyang intro, imbes na Philippines, Filipinas ang isinigaw ng ating kandidata.
Ayon sa ilang mga komento ng mga pageant fans, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon sa Miss Universe pageant na ginamit ng Philippine deligate na ginamit ang salitang 'Filipinas'.
Komento pa ng ilan na talagang tumindig ang kanilang mga balahibo sa wikang ginamit ni Michelle Dee sa kanyang pagpapakilala.
Samantala, naghinala naman ang ilan na ang paggamit sa wikang ito ay kasama sa strategy ng team ni Michelle Dee upang masungkit ang panibagong korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.
Masasabing naiiba ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon. Hindi basta-bastang sumasabay lamang si Michelle sa stereotype bagkus kayang-kaya niyang makibagay at makipagsabayan sa mga latino sa El Salvador habang taas noong ipinapakilala ang Pilipinas.
Hindi naman mali kung sakaling pipiliin ni Michelle ang paggamit ng salitang Filipinas sa kanyang introductions sa finals.
Hindi ito maituturing na cultural appropriation dahil kung pababalikan ang kasaysayan ng bansa mahigit 300 years din namang sumailalim ang bansa sa pamumuno ng mga espanyol.
Sa katunayan, makikita pa rin hanggang ngayon ang impluwensya ng Espanyol sa ating mga kultura mula batas, relihiyon, edukasyon, pananalita, apelyido, architecture, arts, musika, pagkain at ibang mga kaugalian.
Sa kabilang banda, lalong lumakas ang Bayanihan sa pagboto kay Michelle Dee matapos, ihayag ng ilang mga Thailand pageant fans ang planong agawin mula kay Michelle ang top spot sa botohan.
Binabalak ng Thailand humabol sa botohan at iisang bagsak ang kanilang mga boto para maipanalo ang kanilang kandidata.
Kaya naman, maging ang ilang mga celebrities ay nanawagan na rin ng pagsuporta para kay Michelle Dee para matiyak ang pwesto nito sakaling totohanin ng Thailand ang kanilang pagbabanta.
Kabilang sa mga celebrities na full support at nanawagan ng boto para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ay sina Alden Richards, Kylie Padille, Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.
Si Michelle Daniela Marquez Dee ay isang Filipina actress, model, television presenter, talk show host, at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss Universe Philippines 2023.
Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 competition sa El Salvador. Dati nang kinoronahan si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!