Ipinagtanggol ng dating representative ng Pilipinas sa Ms. Grand Philippines na si Roberta Tamondong ang Miss Grand Philippines 2023 na si Nikki De Moura laban sa unprofessionalism na pahayag ni Mr. Nawat.
Nalalagay ngayon sa hotseat ang ipinadalang representative ng Pilipinas sa Miss Grand International 2023 na si Nikki De Moura matapos akusahan ng may-ari at founder ng Miss Grand International pageant na si Mr. Nawat Itsaragrisil ng unprofessionalism matapos mag walk-out nang hindi mapabilang sa top 20.
Sa isang TikTok live, nilinaw ni Mr. Nawat na hindi umano siya ang dapat sisihin ng mga Filipino pageant fans sa pagkakaligwak ni Nikki De Moura dahil una pa lamang ay maling kandidata na ang napili ng bansa.
Isiniwalat pa ni Nawat na maraming flaws at faults si Nikki mula day one ng Ms. Grand International. Ipinahayag ni Mr. Nawat ang kanyang pagkadismaya sa pagiging unprofessional ni Nikki nang mag-walk out ito at hindi tinapos ang kompetisyon matapos mabigong mapabilang sa top 20.
Umaani ito ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga nagtatanggol kay Nikki De Moura laban sa mga naging alegasyon ni Mr. Nawat.
Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman kay Mr. Nawat at sinasabing may diva attitude talaga si Nikki.
Matatandaan na hindi sumali si Nikki De Moura sa The Miss Grand Voice, kung saan inimbitahan ang lahat ng mga kandidata na ipamalas ang kanilang galing sa pag-awit.
Hindi nakilahok si Nikki dahil wala naman umano siyang talento sa pagkanta at hindi na siya kailangan pa roon.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Roberta Tamondong si Nikki De Moura sa kinakaharap nitong pambabatikos sa social media.
Ayon kay Roberta, personal niyang kilala si Nikki De Moura, napaka sweet di umano nito at magaling makisama. Kaya naman hindi umano siya naniniwala sa mga alegasyon ni Mr. Nawat laban kay Nikki.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!