Tila ipinahayag na mismo ng Miss Grand International pageant founder at CEO na si Mr. Nawat Itsaragrisil na may iisa lamang siyang kandidata na mula sa Pilipinas na nais niyang sumabag sa kanyang beauty pageant, walang iba kundi si Herlene Nicole Budol.
Tila matagal nang ninanais ni Mr. Nawat Itsaragrisil na sumabak si Herlene Budol sa kanyang patimpalak dahil sinusubaybayan na niya ito mula pa man sa journey ng beauty queen sa Bb. Pilipinas 2022.
Matatandaan na personal na pumunta si Mr. Nawat Itsaragrisil sa bansa at tila ipinahayag ang kanyang pagsuporta kay Herlene Budol.
Subalit, hindi pinalad si Herlene Budol na makuha ang Miss Grand Philippines crown. Itinanghal lamang siya bilang 1st Runner Up sa Bb. Pilipinas.
Sa panahong iyon si Roberta Tamondong ang hinirang bilang Miss Grand Philippines 2022.
Sa ikalawang pagkakataon, muling lumaban si Herlene Nicole Budol para sa korona ng Miss Grand Philippines 2023, sa pagkakataong ito, naroon din si Nawat at nanonood sa SM Mall Arena.
Subalit, muling nabigo si Herlene Budol sa pagsungkit ng korona sa Miss Grand Philippines.
Noon paman ay napansin na ng mga netizens na tila paborito ni Nawat Itsaragrisil si Herlene Nicole Budol.
Sa katunayan, noong nasa Uganda ito para sa Miss Planet International 2022 ay nakipag video call pa si Nawat sa beauty queen para i-goodluck ito sa kanyang laban.
Subalit, tanong ngayon ng maraming pageant fans, nais nga ba talaga ni Mr. Nawat na manalo si Herlene Nicole Budol at ang Pilipinas sa Miss Grand International o nais lamang ni Nawat na gamitin ang million followers ni Herlene Budol sa kanyang social media accounts.
May mga nagdududa sa intensyon ni Nawat dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na talagang ginagawa ni Mr. Nawat ang lahat para lamang mapag-usapan ang kanyang beauty pageant.
Tiyak umano na malaki ang makukuha ni Nawat Itsaragrisil, sakaling makuha ni Nawat ang attention at engagement mula sa mga followers ni Herlene Nicole Budol.
Matatandaan na tila ilang beses nang ginamit ni Nawat ang mga kandidatang ipinadala ng Pilipinas sa kanyang pageant subalit ni isa sa mga ito ay hindi niya ipinanalo.
Samantala, narito ang ilang komento ng mga netizens hinggi sa usapin ng pagpapadala kay Herlene Budol para sa Miss Grand International.
"miss grand international....puro mukha at katawan...hindi utakan...yan ang brand ng org...pambobong pageant....walang sense..."
"Naku gagamitin lng dn ang pagkapopularidad ne harlene...kaya gusto.ne nawat na ilaban sa mGI para sa kanyang kasikatan"
"Drop this stupid pageant....She needs a famous delegate not a beauty and brains...So what's the significance of close door interviews? its not a beauty and brains or an advocate for war and violence, its a business and popularity...Anyways, the advocacy is impossible... Local organizers should drop the franchise."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!