Ogie Diaz May Isiniwalat Tungkol Kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media at mga entertainment news sites ang tsikang isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update, isiniwalat ng talent manager at showbiz reporter ang chikang nakarating sa kanya patungkol sa palihim na pagkikita nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Ipinahayag naman ni Ogie Diaz na hindi siya naniniwalang totoo ang tsika dahil kilala niya si Daniel Padilla bilang conservative type na tao.


Bukod pa rito nasubaybayan na niya at nakikita kung gaano kamahal ni Daniel Padilla ang kanyang nobyang si Kathryn Bernardo.


“May nagtsika pa sa akin na nagkikita nang lihim o pasikretong nagkikita si Daniel at si Andrea… Sabi ko lumang tao si Daniel eh at medyo may pagka-conservative yon… kasi talagang grabe niyang mahal si Kathryn,” saad ni Ogie Diaz.


“Eh siyempre hindi naman to confirmed. Kaya dapat marinig din natin ang panig nila. Kasi nili-link si Daniel kay Andrea Brillantes, hindi ba nakakaloka. Huwag muna tayong basta basta maniwala. Hayaan natin na sila ang maringgan natin kung ano ang real status na kanilang relasyon,” dagdag pa niya.


Samantala, hiling naman niya na kung totoo mang may pinagdadaanan ang KathNiel na sana ay magkaayos ang mga ito.


“Kung may problema man ang Kathniel, sana magkaayos sila. Sayang din. Ang tagal na din ung 11 or 12 years nilang pinagsamahan.”


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga KathNiel fans ang tsikang isiniwalat ni Ogie Diaz.


May iba na nabahala dahil hindi naman umano puputok ang balitang ito kung walang pinagmulan.


Binalikan pa ng ilan ang naging isyu noon kung saan inamin ni Andrea Brillantes ang pagkakaroon ng crush kay Daniel Padilla.


Kumalat din noon ang isyu kung saan inamin ni Seth Fedelin ang pagseselos kay Daniel Padilla dahil nagkikita umano ng palihim ang dalawa.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Maging ang nobya ni Daniel na si Kathryn Bernardo ay hindi pa rin naglalabas ng anumang pahayag.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo