Ogie Diaz Palaban Na Sinagot Ang Pambabatikos Sa Issue Na Inilabas Kay Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Matapang na sinagot ni Ogie Diaz ang mga bumabatikos sa kanya na mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa isiniwalat niyang tsika patungkol naman kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Agad na nagtrending sa buong Pilipinas si Ogie Diaz kalakip ang hashtag na Ogie Diaz Fake news peddler, matapos ang pagsisiwalat niya sa tsika mula sa kanyang source na umano'y naghiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa palihim na pagkikita nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Sa kabila nito, naninindigan si Ogie Diaz na wala siyang ginawang mali dahil nilinaw naman umano niya sa kanyang vlog na hindi pa kumpirmado ang isiniwalat niyang impormasyon patungkol sa KathNiel.


Narito ang ilang mga tweets ni Ogie Diaz kasunod ng mga natatanggap niyang pambabatikos.


“May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confimed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pagtama ba kami, sasabitan niyo kami ng medalya?”


"Salamat sa mga nagpapa-trending. Ang importante, napasaya ko kayo. 😂"


"Naaaliw na lang ako sa inyo, hehehe. Sana, masarap ulam nyo choday!😍😍😍"


Sa kabila nito hindihumupa ang galit ng mga fans ng KathNiel kay Ogie Diaz at tila lalong dumami pa ang mga nambabatikos sa talent manager.


Maging ang mga fans ni Andrea Brillantes ay nakisali na rin sa pangunguyog kay Ogie Diaz.


May mga nagsasabi pa na dapat na umanong sampahan ng kaso si Ogie Diaz upang hindi na umano ito makapagkalat ng isyu na makakasira sa kanilang mga iniidolong artista.


“Hindi naman pala confirmed so bakit pina-published at pinag-uusapan niyo? Nagmumukhang cheap ang entertainment news industry dahil sa mga paganyan ganyan niyo na wala namang enough proff at hindi confirmed. Lahat nalang just to switch the narrative about Andrea at nasali pa ang Kathniel.


“Ogie ganyan na ganyan ang ugali ng mga chismosa sa kanto.”


"nananakot na totoo? as if this is the first time that you spoke about something unconfirmed and di naman talaga totoo. the point here is ang kapal ng mukha niyong magsalita ng ganyan against kathniel pero pag kaharap akala mo kung sinong maayos ang trato sa kanila."


"Dapat dito aksyunan na @ABSCBN dahil grabii na ang sinasabi niya sa mga artista, kawawa yung may mental health na hinaharap especially kay blythe na bugbog na sa bash..karmahin ka sana ogie"


Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pananahimik ni Kathryn Bernardo sa gitna ng isyung hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Maging si Daniel Padilla ay tikom din ang bibig pagdating sa isyu.


Sa ngayon, buo pa rin ang paniniwala ng mga KathNiel fans na maayos pa rin ang relasyon ng dalawa at ang hiwalayan isyu na kumakalat ngayon ay gawa-gawa lamang umano ng mga taong nais silang pabagsakin.


Sa kabilang banda, kumakalat rin ngayon ang ilang mga screenshot kung saan makikitang naka-follow pa si Kathryn Bernardo sa mga Instagram accounts nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes na nagpapatunay lamang umano na walang isyu sa pagitan nila.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pag-unfollow ng mga celebrities sa kapwa nila celebrities ay isang pahiwatig na mayroon na silang hindi pagkakaunawaan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo