Sa wakas ay nagkaharap na ang pamilya ng nawawalang Miss Grand Philippines 2023 candidate at public school teacher na si Catherine Camilon at ang itinuturong primary suspek na si Police Major Allan De Castro para sa pre-hearing sa mga kasong isinampa sa pulis.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap na lead ang mga kapulisan sa posibleng kinaroroonan ngayon ni Catherine Camilon na nawawala noon pang October 12, 2023.
Inamin ngayon ng mga otoridad na habang tumatagal ang panahon ng pagkawala ni Catherine Camilon, lalo silang nahihirapan na makakuha ng matibay na lead na makakaturo sa kinaroroonan ni Catherine Camilon.
Nahihirapan na rin umano silang matukoy ang tunay na nangyari kay Catherine Camilon kahit pa lumabas sa resulta ng DNA Test na isinagawa ng PNP Forensic Group sa mga nakitang hair strand at dugo sa loob ng pulang CRV.
Matatandaan na lumabas sa DNA Test na totoong ginamit ang pulang sasakyan na iyon sa pagdukot kay Catherine Camilon, tila nagtapos na roon ang mga lead ng kapulisan lalo pa't patuloy na tumatanggi si Allan De Castro sa mga ipinaratang sa kanya.
Wala pa ring lead ang mga kapulisan kung saan dinala ng mga kidnappers si Catherine Camilon matapos isinakay sa pulang sasakyan.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga pulis sa posibleng kinaroroonan ngayon ni Catherine Camilon. Ipinahayag naman ng PNP Spokesperson Fajardo na malaki ang naitulong ng DNA test sa kanilang imbestigasyon kahit pa wala silang lead sa ngayon sa kasalukuyang kinalalagyan ni Catherine Camilon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!