Rendon Labador Napahiya Kay Vice Ganda!

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang binanatan ng social media personality at self proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang panibagong Facebook account.


Matatandaan na bago na unpublished ang Facebook page ni Rendon Labador, ilang beses muna niya binanatan si Vice Ganda at tinawag ng kung ano-ano.


Nagsimula ang labis na pambabatikos ni Rendon Labador kina Vice Ganda at Ion Perez nang hindi niya magustuhan ang paraan ng pagkain ng mga ito sa cake icing.


Kabilang din si Rendon Labador sa mga hayagang tumawag sa attention ng MTRCB upang aksyunan nila ang tinatawag niyang kahayupan ng mga host sa show at sa harap pa mismo ng kanilang mga batang guest sa show.


Samantala, muling pinuna ni Rendon Labador ang naging hand gesture ni Vice Ganda dahil nag dirty finger umano ito sa It's Showtime.


Subalit tila napahiya ang social media personality nang mapag-alaman na ang ibinahagi niyang larawan ay kuha noon pang nagdaang taon.


Agad naman itong binura ni Rendon Labador nang mapagtanto niya ang kanyang pagkakamali.


Sa kanyang Facebook stories, nagbigay ng pahayag si Rendon patungkol sa kanyang pagkakamali.


“Deleted ang Vice dirty finger post.. So alam ninyo na? nagbago na ako pero huwag pa rin kayon magkakamali dahil itatama ko pa rin kayo.”


Dagdag pa ni Rendon Labador, “Huwag kayong kampante.”


Ipinunto pa ni Rendon Labador na bagama't matagal na ang video na iyon ni Vice Ganda, mali pa rin ang ginawa nito sa show.


Iginiit pa niya na hindi nabubura ng panahon ang pagkakamali ng isang tao.


Gayunpaman, napagpasyahan umano ni Rendon na burahin na lamang ang video na ito ni Vice Ganda dahil napagtanto niya na nagbago na pala siya.


"Kahit ilang taon na ang nakalipas, mali parin yun. Hindi tumatama ang mga mali dahil lang sa tagal ng panahon."


"Ni-remove ko nalang dahil bigla kung naalala na nagbago na pala ako."


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin ni Rendon Labador na sa lahat ng mga celebrities na binanatan niya ay si Vice Ganda ang pinakamalakas dahil nabura ang kanyang account dahil sa mass reporting.


Hindi tumigil ang mga fans noon ni Vice Ganda sa pareport sa kanyang mga naging contents hanggang sa tuluyan nang binura ng Meta ang kanyang Facebook account.


Sa kabilang banda, ibinahagi ni Rendon na nagkaayos at okay na umano sila ni Vice Ganda dahil nakahingi na siya ng paumanhin rito.


Ipinahayag naman ni Vice Ganda na wala siyang personal na galit sa Unkabogable Star.


Iginiit lamang niya na trabaho lamang ang kanyang ginawa. Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Rendon ang kanyang pagbabago na nakapagpagaan umano sa kanyang pakiramdam.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo