Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang naganap na Miss Unuverse pageant sa El Salvador.
Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang isinuot na evening gowns ni Michelle Day sa preliminary at final show. Hindi rin nakaligtas sa kritisismo ng mga netizens ang isinuot na national costume ng pambato ng Pilipinas.
Marami ang napahanga sa mga isinuot ni Michelle Dee at sa kanyang overall performance sa Miss Universe competition.
Sa katunayan, marami ang nalungkot at nainis nang hindi mapasama si Michelle Dee sa top 5 ng competition. Hinala ng mga netizens na may dayaan na naganap at sinadyang hindi makapasok si Michelle.
Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na plain at simple lamang ang mga isinuot ni Michelle Dee sa Miss Universe competition.
Isa na sa mga bumatikos sa isinuot ni Michelle Dee sa National Costume competition ay ang nagbabago na umanong Motivational speaker na si Rendon Labador.
Hindi na-motivate si Motivational Speaker Rendon Labador sa costume na ipinakita ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa nasabing patimpalak.
Matatandaan na nagviral sa social media ang isinuot na aviator-themed National Costume ni Michelle Dee dahil sa kakaibang konsepto nito, na naglalayong isulong ang Turismo ng Pilipinas.
“The concept itself came from Michelle Dee, she wanted to highlight Philippine tourism. With her national costume, one of our goals was to invite people to come and fly to the Philippines.
"The solihiya pattern was suggested by Michelle Dee… Aside from the Cordilleran woven fabric, ang dami kong first time sa national costume to be honest.
"It’s my first time doing fiberglassing technique, first time to work with solihiya pattern, at first time ko incorporating hydronic mechanism and LED lights sa isang costume,” pahayag ng costume designer ni Michelle Dee na si Michael Barassi.
Gayunpaman, para kay Rendon Labador na bagsak at hindi maganda ang isinuot na National Costume ni Michelle Dee na kahit sa costume party ay hindi pa rin ito mananalo.
“Bagsak!!! Sa unang pagkakataon nawala ang creativity ng mga Pilipino. Mahal na mahal ko ang Pilipinas pero huwag naman ninyong sirain, kahit sa costume party baka hindi manalo ‘yan,” pahayag ni Rendon Labador.
Kinoll-out din ni Rendon Labador ang nag-design ng National Costume ni Michelle Dee, sinabihan niya itong tanga at binubola lamang ng mga magulang simula pagkabata.
“Kung sinoman ang nag-design ng costume ni Michelle Dee, panahon na para magising ka sa katotohanan. Ang t*nga mo mag-design. Siguro ikaw ‘yung binola ng magulang simula pagkabata.”
Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang nagdesign ng National Costume ni Michelle Dee na si Michael Barassi.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!