Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang video ng umano'y pambabastos ng Miss Universe owner na si Ms. Anne Jakrajutatip sa pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant sa guesting sa Mexico.
Makikita sa video na tila hindi na komportable si Michelle Dee sa isang panayam kasama si Ms. Anne Jakrajutatip sa naging guesting nila sa Mexico.
Tila inasar-asar kasi ng Miss Universe owner si Michelle Dee sa pamamagitan ng pagpapahayag kung gaano kabitter at hindi makapag-move on ang kanyang mga fans sa pagkakaligwak nito sa top 5 sa Miss Universe.
Makikitang naging pilit na ang ngiti ni Michelle Dee sa usapan nina Ms. Anne at ang babaeng may hawak sa camera.
Samantala, inalmahan naman ng matalik na kaibigan ni Michelle Dee na si Rhian Ramos ang aniya'y uncomfortable video kung saan nakasama ni Michelle Dee ang owner ng Miss Universe pageant.
Hindi umano masikmura ni Rhian Ramos ang nasabing video kung saan tila binabastos na ni Ms. Anne si Michelle Dee.
“I don’t like how this looks. My stomach is turning. Buti marespeto yung kaibigan ko, eh sila?”
“Ewan. Kayo na lang ang humusga. Tap niyo for full, uncomfortable video.”
Sa isa pang video makikitang sapilitang pinaalis ni Ms. Anne si Michelle Dee at hindi isinama sa kanilang picture taking. Kasunod pa ng pag-alis ni Michelle Dee sa stage ay ang pagtatawanan ng ibang girls at ng mismong owner ng Miss Universe na tila ba ay si Michelle ang kanilang pinag-uusapan.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pauwi na dapat si Michelle Dee sa Pilipinas subalit inimbitahan siya ng owner ng Miss Universe na sumama sa guesting nila sa Mexico.
Subalit, tila pinasama lamang ng mga ito si Michelle sa Mexico para insultuhin at pagtawanan doon.
Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa nasabing video.
"MG era is still the best. Miss Universe had justified its credibility until it was acquired by Anne. We all know it’s business, profitability wise, Anne is making noise and controversies but not in a good way.
"The Miss Universe Org that we know is empowering women and not USING women for its own benefit. But I’m afraid that if this stain still continues for the next years to come and if it’s still under Anne’s management, MU will lose its well known credibility that it had established for more than 70 years."
"Wow angkol level, pareho sila talaga ng kalahi niya HAHAHA umuwi kana MMD!"
"Michelle, you’ve shown strength throughout your MU journey. But now that everything is over, you are free to be vulnerable and feel your emotions. Andito lang kami sa tabi mo. Isang mahigpit na yakap"
"why the need to grab her and put her on the spot like that? such disrespect!"
"The eyes of Our Queen, ramdam ko yung pambabastos hayst Uwi kana here Queen @michelledee "
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!