Ricci Rivero Kukuning Endorser Ng Sabong Panlaba

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Ang basketball player ng Phoenix Fuel Masters na si Ricci Rivero ay napapaulat na nililigawan para maging endorser ng isang laundry detergent sa gitna ng sinasabing hindi siya naglalaba ng kanyang damit sa loob ng isang taon.


Sa kanyang online show, ibinunyag ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na isang advertising company ang humihiling kay Ricci na i-endorse ang kanilang produkto matapos itong maging meme nang dahil sa naging pahayag ni Andrea Brillantes kay Vice Ganda patungkol sa kanyang paraan ng pagmomove-on.


Matatandaang tila pinasaringan ni Andrea Brillantes ang kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero laban sa umano’y ugali nito na hindi naglalaba ng kanyang damit sa loob ng isang taon.


“Gusto ko lang sabihin minsan, kung hirap ka mag-move on, kailangan mo talaga isipin ‘yung mga bagay na, ‘Talaga ba iiyakan ko ‘yung lalakeng hindi nagpapa-laundy nang isang taon?” pahayag noong ni Andrea Brillantes.


Gayunpaman, mukhang mas makikinabang pa rito si Ricci  Rivero kung sakaling tumpak ang impormasyon ni Cristy Fermin.


“Naku ewan ko kung totoo o hindi ito…mayroon daw isang ahensya na interesado para kuning endorser o brand ambassador ng isang detergent product si Ricci,” pahayag ni Cristy Fermin.


“Ang ganda n’yan kapag nagkatuluyan ‘yan. Biruin mo ‘yung negative turn to positive, hindi ba?” sagot naman ni Romel Chika.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Ricci Rivero hinggil sa sinabing balita na nakarating kay Manay Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo