Richard Gutierrez, Kazel Kinouchi Spotted Together Sa Ayala Alabang Kasama Ng Mga Anak Ni Richard

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na larawan nina Richard Gutierrez at Kazel Kinouchi na kuha mula Ayala.


Mukhang si Kazel Kinouchi ang kasama nina Richard Gutierrez at kanyang mga anak noong nagdaang long weekend sa halip na si Sarah Lahbati ang kasama ng mga ito.


Kumalat ang larawan nilang magkasama sa gitna ng lumalalang isyu patungkol sa naging hiwalayan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Ikinagulat ng mga netizens ang mga kumakalat na larawan nina Richard Gutierrez at Kazel Kinouchi na kuha noong Undas vacation kung saan hindi namataan na magkasama ang mag-anak sa paggugunita.


Ikinabigla ito ng mga netizens dahil noon pa man ay naging bukas na sa publiko ang kanilang pagmamahal dahil sa kanilang pagbabahagi sa social media.


Ikinabahala ngayon ng kanilang mga fans dahil hindi na nagkakasamaha ang dalawa. Lumakas din ang hinalang may involved na third party sa kanilang pagkakalabuan dahil sa mga larawan nina Richard at Kazel.


Makikitang nakasakay si Richard Gutierrez sa likod ng isang puting pick up truck. Namataan din si Kazel Kinouchi na nanggaling sa kaparehong sasakyan.


Tanong ngayon ng mga netizens kung bakit si Kazel ang kasama nila ng kanyang mga anak at hindi si Sarah Lahbati.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati gayung isa sila sa maituturing na power couple sa larangan ng showbiz.


Bukod pa rito, ipinaglaban din nila noon ang kanilang relasyon sa gitna nang hindi pagkakasundo ng kani-kanilang mga magulang.


Samantala, kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang larawan si Richard Gutierrez sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita niya ang kanyang pangangatawan.


"get up, change of perspective, move forward And let the most high take the wheel. your attitude determines your altitude," caption ni Richard Gutierrez sa kanyang post.


Mula pa noong nakaraang buwan ay puro photos ng mga anak niya at solo pictures niya ang naging laman ng kanyang social media. Biglang nawala sa kanyang account ang kanyang asawa na si Sarah Lahbati.


Gayunpaman, napansin pa rin ng kanyang mga tagahanga na sinusuot pa rin ni Richard ang kanilang wedding ring ni Sarah.


Samantala makikita naman sa latest post ni Sarah Lahbati ang kanyang larawan na kuha mula sa isang bakasyon kasama ang kanyang mga kamag-anak.


"today, and everyday.. let's remember the incredible power of kindness. a single act can brighten someone's day and create a ripple of compassion. let’s choose empathy, love, and understanding every day. together, we can make the world a better place," caption ni Sarah sa kanyang photo.


Naniniwala pa rin hanggang ngayon ang kanilang mga tagahanga na hindi pa tuluyang naghihiwalay sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Ayon sa kanila, baka nagkatampuhan lamang ang mag-asawa na nangyayari rin naman sa mga normal na pamilya.


Hiling naman ngayon ng mga netizens na sana ay maayos nilang dalawa ang kanilang relasyon at nawa'y manaig ang pagmamahal nila sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo