Inilabas na ng actor-comedian na si Roderick Paulate hinggil sa mga isyung kinakaharap niya kabilang na ang isyu ng kanyang pagkakakulong.
Sa naging panayam niya kay Ogie Diaz, inilabas ni Roderick Paulate ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa mga masasakit na salitang ngatatanggap niya ngayong napasama siya sa iisang project kung saan kasama niya ang beteranang aktres na si Maricel Soriano.
Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang politician-host actor na si Roderick Paulate dahil sa pagkakasangkot niya sa mga kasong Gaft and Corruption at Falsificaion of Public Documents.
Dahil sa pagkalat ng balitang ito, hinusgahan ng nakakarami si Roderick Paulate sa kabila ng kanyang pananahimik. Marami ang naniniwalang isa siyang corrupt na tao at mukhang siyang pera.
Naiulat din kasi noon na guilty ang naging hatol sa kanya kung saan sinentenyahan siya ng hindi bababa sampong taon hanggang 62 taon na pagkakakulong.
Kaya naman marami ang nagulat nang makitang malaya pa rin ito hanggang ngayon at nakakagawa pa ng mga projects sa showbiz.
Samantala sa naganap na panayam ni Ogie Diaz kay Roderick Paulate, sinagot ng huli ang mga akusasyon laban sa kanya at nilinaw kung ano nga ang katotohanan sa isinampang kaso sa kanya.
Ipinahayag ni Roderick kung paano siya nalungkot dahil hindi na nabibigyan ng panahon ngayon ang mga taong nasasangkot sa isyu na magpaliwanag.
Base ito sa kanyang karanasan kung saan wala umanong humingi sa side niya at patuloy lamang siyang idinidiin sa kaso.
Nilinaw naman ni Roderick na hindi niya itinatanggi na may kinaharap nga siyang kaso noon subalit ang nakasakit umano ng damdamin ay wala umanong nagtanong sa kanya kung ano ang totoo at basta na lamang siyang hinusgahan.
“Bat ganun? noong negatibo, ang laki-laki ng balita pinagpyestahan ako. Pero bakit nung in-acquit ako at dinismiss ang kaso ng Court of Appeals, bakit hindi niyo rin pinagpyestahan?” hinaing ni Roderick Paulate.
“Bakit noong lumabas yun, sa isang ganito lang kaliit na tabloid lang,” dagdag pa nito.
Nilinaw pa ni Roderick na hindi naman siya nakulong kahit pa noong matapos ang kanyang conviction.
“Once and for all, hindi po ako nakulong…Minsan lagyan ko na lang kunyari yung, ‘Di ba nakakulong siya,’ lagyan ko na lang ng [open mouth emoji], nakaganun, kasi kung sasagot pa ako, baka humaba.”
“Yung iba naman nilalagyan ko na lang ng heart…parang ganun na lang. Wala na tayong magagawa eh, hindi naman lahat nakakaintindi.”
Iginiit pa ni Roderick Paulate na hindi niya kailanman sisirain ang kanyang pangalan dahil lamang sa pera.
“Hindi ko sisirain ang pangalan ko sa pera,” pagdidiin niya pa.
Matatandaang hinatulan ng Sandiganbayan si Roderick ng hindi bababa sa 10.5 taon hanggang 62 taon sa pagkakakulong dahil sa umano’y pagkuha ng mga ‘non-existent’ na empleyado sa kanyang termino.
Napag-alaman din nila na ang mga empleyadong kinuha ni Roderick ay walang birth certificate, walang tirahan, at hindi rin rehistradong mga botante, patunay na wala talaga siya hi-nire sa mga panahong iyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!