Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang indefinitely postponed ang show ni Willie Revillame na nauna nang naiulat na eere sa mga governement owned channel na PTV at IBC.
Ayon pa sa mga kumakalat na ulat, nagkaroon ng isyu sa usapan sa pagitan ng television host na si Willie Revillame at mga executives ng mga nasabing channel.
Sa isang episode ng programa ng Veteran Showbiz Columnist na si Manay Cristy Fermin na Cristy Ferminute, isiniwalat niya na hindi natutuloy sa pag-ere ang show ni Willie Revillame sa PTV at IBC dahil sa maraming demand ni Willie Revillame.
Ayon kay Fermin, nasanay na si Willie na magtanong ng mga demands tulad ng ginawa niya sa negosasyon niya sa ABS-CBN, TV5, at GMA.
Gayunpaman, hindi na katulad ang sitwasyon ngayon ni Willie Revillame sa dating private owned network dahil may mga prosesong dapat sundin ang mga channel na pag-aari ng gobyerno.
“May mga kumakalat kasi na maraming demand itong si Willie. Kasi noong nasa ABS siya tapos dito sa TV5, GMA… talagang nasunod ang kaniyang gusto,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.
Matatandaang kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang desisyon ng PTV at IBC na kunin si Willie bilang kanilang host.
Ipinaliwanag naman ni IBC 13 President and CEO Jose C. Policarpio, Jr. na gusto nilang maging bahagi si Willie ng kanilang channel para madali nilang maabot ang ‘lowest of the lowest among the people.’
Nakasaad din sa mga ulat na hindi nakatakdang tumanggap ng anumang suweldo mula sa gobyerno si Willie Revillame.
Maging ang mga sponsor na hahawakan ni Willie bilang PTV at IBC ay nasa ilalim ng Commission on Audit.
Nagsimula si Revillame bilang host ng noontime variety program ng GMA Network na Lunch Date noong huling bahagi ng 1980s kasama si Randy Santiago.
Noong 1995–1997, kinanta ni Revillame ang theme song ng TV drama series na Villa Quintana bilang isang duet kasama ang Rockstar 2. Nang maglaon ay nagsimula siyang lumabas sa iba't ibang mga pelikula, na gumaganap bilang sidekick sa malalaking pangalan ng mga bituin.
Noong 1998, nagsimula siyang mag-co-host ng ABS-CBN noontime show na 'Sang Linggo nAPO Sila. Matapos makansela ang show para bigyang-daan ang kanyang big break sa Magandang Tanghali Bayan, nagsimula na rin siyang lumabas sa Richard Loves Lucy.
Ang iba pang mga palabas na naging host niya sa loob ng network ay ang Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan at Wowowee, gayundin ang mga variety program ng TV5 tulad ng Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie.
Noong Marso 20, 2015, minarkahan ni Revillame ang kanyang pagbabalik sa GMA Network , ang kanyang pinakahihintay na pagbabalik sa Philippine showbiz at sa telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong weekly-variety program na Wowowin, na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Linggo ng hapon mula Mayo 10, 2015 hanggang sa naging weekday-variety program ito noong February 1, 2016.
Noong Pebrero 5, 2022, inihayag ng GMA Network na ang kontrata ni Revillame sa network ay magtatapos sa Pebrero 15, 2022. Ang kanyang programa, ang Wowowin ay ipinalabas ang huling broadcast nito noong Pebrero 11, 2022, hanggang sa muling pagpapatuloy nito sa All TV noong Setyembre 13.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!