Toni Gonzaga Balik ABS-CBN Network

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na ng Presidential Communications na tuluyan nang nagresign sa kanyang posisyon bilang Presidential Adviser on Creative Communications si Direk Paul Soriano, asawa ng actress-host, vlogger na si Toni Gonzaga.


Ayon sa PCO Secretary na si Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil, nagpadala umano siDirek Paul Soriano ng letter of resignation sa kadahilanang nais nitong unahin ang mga personal commitments.


Kabilang sa mga nais pagtuunan ng pansin ni Paul Soriano ay ang kanyang pamilya lalo pa't kapapanganak pa lamang ni Toni Gonzaga sa kanilang ikalawang anak.


Noong August 11, 2023, isinilang ni Toni Gonzaga ang panalawang anak nila ni Paul Soriano. Ang direktor pa mismo ang unang nagbahagi ng masayang balita sa kanyang social media account kalakip ang video ni Toni Gonzaga habang nasa hospital bed buhat ang bagong silang nilang sanggol.


"Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support, God bless you."


Matatandaan na noong June 4, 2023, kinumpirma nina Toni Gonzaga ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Paul Soriano.


Sa kabilang banda, naghinala ang ilang mga netizens na ang pagreresign ni Paul Soriano sa kanyang posisyon bilang Presidential Adviser on Creative Communications ay may kaugnayan sa napapabalitang pagbabalik showbiz ni Toni Gonzaga.


May mga bulong-bulungan pa na magbabalik Kapamilya si Toni Gonzaga kasabay ng pagbubukas ng isang sikat na programa sa Kapamilya Network.


Matatandaan na matapos ang pagreresign ni Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother noong 2022, pumirma ng kontrata si Toni Gonzaga sa AMBS na pagmamay-ari ni Former Senator Manny Villar.


Napanood rin sa nasabing network ang kanyang programa na Toni Talks. Subalit, naipatigil ang airing nito sa AMBS dahil sa kakulangan ng mga advertisers dala ng low signal reach ng nasabing network.


Isa pa sa mga itinuturong dahilan ay ang kawalan ng guest ni Toni Gonzaga sa nasabing show, dahil tumatanggi ang kanyang iniimbitahang artista.


Samantala, marami naman ang napapatanong kung may katotohanan nga ba ang haka-hakang babalik sa Kapamilya network si Toni Gonzaga.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming mga Kapamilya fans at maging Kapamilya talents ang nagboycott kay Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta ng actress sa mga kandidato na bumoto upang tuluyang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.


Gayunpaman, hindi naman umano tinanggal ng ABS-CBN si Toni Gonzaga bagkus ay si Toni lamang umano ang nagdesisyong umalis kung saan inihayag niya ang kanyang resignation online.


Samantala, nagkaroon na umano ng pag-uusap sa pagitan ng mga ABS-CBN bosses at ni Toni Gonzaga kung saan ipinahayag umano nila sa aktres na welcome ito anytime sa ABS-CBN.


Gayunpaman, sa ngayon ay wala pa naman natatanggap na offer ang aktres kaya naman hindi pa rin nakikita si Toni sa bakuran ng ABS-CBN.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo