Toni Gonzaga, Nalula Sa Kinikita Ni Rosmar Tan Kada Araw

Lunes, Nobyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Naging inspirasyon para sa marami ang kwento ng buhay ng social media personality at CEO ng Rosmar Beauty Essentials na si Rose Marie Tan na ibinahagi niya sa YouTube vlog ng actress-host na si Toni Gonzaga na Toni Talks.


Ibinahagi ni Rose Marie Tan na mas kilala bilang si Rosmar ang kwento kung bakit niya naabot ngayon ang estado ng kanyang pamumuhay ngayon.


Sa latest vlog ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, kinapanayam niya si Rosmar kung saan napag-usapan nila ang mga pinagdaanang hirap ng isang CEO bago niya nakamit ang rurok ng tagumpay.


Nang maitanong naman ni Toni Gonzaga kay Rosmar kung ano ang inspirasyon niya at kung ano ang naghudyat sa kanya na simulan ang kanyang skin care business, proud nitong inamin na sa tulong ng isang galisin na bulldog napag-isipan niyang gawin ang kanyang business.


Ibinahagi niya sa vlog ni Toni Gonzaga kung paano nakatulong sa kanya ang bulldog na galisin. Dapat na umanong i-mercy kill ang nasabing bulldog dahil wala na umano itong pag-asa.


"Yung bulldog po, gusto na ngang i-mercy killing kasi wala na raw pong pag-asa ganun."


Dagdag pa ni Rosmar, "So, 'yung doktor na po na 'yun doktor naman po ng tao, pinaampon niya po sa akintapos sabi niya try m 'yung dahon ng madre cacao."


"Tumawag agad ako kay Papa, sabi ko, Papa pagpitas mo ako ng maraming dahon ng madre cacao dali ibebenta ko."


"Parang, oo gagamutin ko 'yung aso pero mindset ko na sobrahan niya yung dahon kasi nga ibebenta ko."


Inamin pa ni Rosmar kay Toni Gonzaga ang natamo niyang bashing matapos ibenta ang mga dahon ng madre cacao. Hindi naman umano siya nagpaapekto sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa pagbebenta ng dahon ng madre cacao, bagkus mas hinusayan pa niya ang kanyang marketing strategies.


Naisip na rin umano ni Rosmar na gawing shampoo ang ibinibenta niyang dahon ng madre cacao, at tawagin ang kanyang produkto bilang, Mysterious Madre Cacao.


Ipinahayag naman ni Rosmar na epektibo ang kanyang produkto at totoong nawala ang galis ng inampon niyang aso.


Ikinagulat naman ni Toni Gonzaga nang isiwalat ni Rosmar na kumita siya ng 40 thousand pesos kada dahil lang sa pagbibenta niya sa Shampoo na para sa mga aso.


Ang mas ikinagulat ni Toni Gonzaga nang aminin ni Rosmar na 50 pesos lamang ang kanyang puhunan sa paggawa ng nasabing producto.


Sa ngayon, isa na sa maituturing na successfull business woman sa bansa si Rosmar. Sa katunayan, kumikita na umano ito ng mahigit limang milyon sa isang araw mula lamang sa kanyang pagbebenta ng mga skin care products.


Muling ikinagulat ni Toni Gonzaga nang linawin ni Rosmar na ang kitang limang milyon sa isang araw ang pinakamaliit na kanyang kinikita dahil kadalasan ay umaabot sa sampu hanggang sa labin tatlong milyon ang kinikita niya sa isang araw sa pagbebenta lamang mga mga skin care products lalo na sa tuwing pick season.


"May chinika sa akin si Alex, kumikita ka daw ng 5M a day," pahayag ni Toni.


"'Yun po yung medyo mahina na po ako nun. May time po na kasagsagan po ng sobra-sobrang lakas po, pumapalo po minsan sa 13 ganun. 10 to 13, pero kasama na po dun ang puhunan," pag-amin ni Rosmar.


Nilinaw naman ni Rosmar na hindi naman niya ipinagmamalaki ang kanyang income, mga nakamit sa buhay at ang kanyang success gaya ng palaging ibinabato sa kanya ng mga tao.


Nais laman umano niyang maging inspirasyon sa marami at ipaalam sa lahat na huwag lamang sumuko sa mga pagsubok sa buhay dahil makakamit din nito ang katulad ng tagumpay na kanyang tinatanggap ngayon.


"Congrats to the beautiful and humble CEO  Ate rosmar pamulaklakin tan🥰 Grabe nakakainspired po yung story nyo. Yung kahit dinadown kana nang buhay or pagsubok sa buhay pero eto ka, patuloy na lumalaban at d mo naisipang e give up lahat. Means deserved mo lahat kung ano man meron ka ngayon maam 🥰 Godbless your family po"


"Dito nakilala ko si rosmar ng maayos.. Naiyak ako kasi natouch ako sa puso meron sya at inspiration dahil ang sipag nya kaya nya naabot kung ano meron sya.. Tunay na Rosmar lang ang Malakas.. Thank you Ms Toni for bringing her to share her success in life and what she went through.."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo