Valerie Concepcion Binatikos Dahil Kanyang Ginawa Sa Newborn Baby

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Marami ang naalarma at nagpakita ng concern nang makita ang ginawa ni Valerie Concepcion sa kanyang newborn baby sa loob ng sasakyan.


Ikinabahala ng mga netizens ang posisyon na anak ni Valerie Concepcion sa loob ng kanyang sasakyan.


Makikita sa larawang ibinahagi ni Valerie Concepcion sa social media na pinaupo niya sa carseat ang kanyang newly born babay pa lamang.


Napansin rin ng mga netizens na hindi angkop sa edad ng bata ang ginamit na car seat ni Valerie.


Maging ang isang kilalang pediatrician na si Dr. Richard Mata na may maraming followers sa kanyang social media account ay nag-orffer din ng kanyang expert advice.


Ayon  kay Dr. Richard Mata, dapat na nakahiga sa car seat ang mga infants para masuportahan ng maayos ang leeg at likod ng mga ito.


Ipinahayag din nito na bawal paupuin ang mga sanggol nang walang nakaalalay sa ulo at leeg nito.


“Dapat nakahiga ang baby sa car seat (for infants) kasi wala pang neck support ang baby. Bawal pa syang nakaupo without holding the neck and head.”


Ibinahagi din mismo ng doctor ang screenshot ng kanyang komento sa post ni Valerie kalakip ang caption na, 'friendly reminder'.


Sumang-ayon naman sa naging komento ni Dr. Richard Mata ang Chico Philippines.


"We 100% agree with Dr. Richard and Erika Mata for newborns to be in a lie-flat position when traveling with a child restraint, we also want to assure all Parents that Chicco Unico car seat is tested and certified by the Chicco Research Center in Italy, to be suitable for newborn babies up to 12 years old.


"Chicco's center in Italy has led to the development of a secure 5-point harness system. This harness keeps your newborn safely strapped in, reducing the risk of injury in case of sudden stops or collisions."


Gayunpaman, ipinahayag nila na nakausap na sila si Valerie hinggil sa isyu. Ipinaliwanag naman umano sa kanila ng aktres na nakunan lamang ang larawan mula sa ibang anggulo.


"P.S We had previously discussed this matter with Ms. Valerie Concepcion, and it appears that the photo may simply be taken from an unfavorable angle, giving the impression that the baby is in a sitting position."


Samantala sa social media account ni Valerie, ibinahagi niya ang isang video upang maging malinaw na ang isyu.


Sa ibinahagi niyang video, makikitang nakahiga naman pala talaga ang bata.


"See how it looks totally different in a different angle. In Murica they inspect your car seat down to how its buckled and secured before they discharge mommy and baby. Salamat po sa mga concerns nyo"


Hindi naman napigilan ni Valerie Concepcion na ilabas ang kanyang hinaing sa mga nag-parent shaming sa kanya dahil sa naunang larawan.


Ipinagdidiinan din ni Valerie Concepcion na ang car seat na ginamit nila sa kanyang anak ay angkop sa edad ng kanilang sanggol.


“This is the last comment I’ll leave here on this post. PLEASE google our car seat-- Chicco Unico Plus. It is suitable for little ones from birth to 12 years of age or 0-36 kgs.”


“It’s so heartbreaking that some people would resort to parent shaming just because they think they’re right.”


Hiling naman ni Valerie  na marealize ng mga taong nambabatikos sa kanya dahil sa paggamit niya ng panibagong carseat.


Ipinunto pa ni Valerie na hindi naman umano i-aapprove ng gma professionals kung hindi ito nararapat na gamitin ng mga infants.



“I hope and pray that they’ll realize I’m not the only one who uses this kind of carseat for infants, 2023 na po, not everyone usues the traditional ones anymore. I won’t be approve by proffesionals naman if its not safe.”


Bagama’t alam umano niya na concerned lamang ang ilang mga netizens sa kalagayan ng kanilang anak, ipinunto naman ni Valerie na sila bilang mga magulang nito ang pinaka-concern sa well being at safety ng bata.


Maging ang Chicco Philippines ay nananawagan rin sa iba pang mga magulang na itigil ang pambabatikos kay Valerie Concepcion at sa iba pang mga magulang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo