Vice Ganda Naglabas Ng Hinaing Sa Higpit Ng Sistema Ngayon Sa Telebisyon

Martes, Nobyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Nagpahayag ng isang sentimyento si Vice Ganda kung saan kinumpara niya ang panahon ngayon at noong unang panahon sa pagpapatawa.


Sa nakaraang episode ng It's Showtime, nagbigay ng tribute sina Vhong Navarro, Teddy Corpus, at Jugs Jugueta sa mga namayapang komedyante sa bansa na sina Dolphy, Babalu at Redford.


Agad na nag viral sa social media ang naging performance ng tatlo dahil sa paggaya nila sa mga namayapang komedyante sa tulong ng Artificial Intelligence.


Pagkatapos ng performance, ikinuwento ni Vice Ganda kung paano nag-iingat ngayon ang mga kasalukuyang komedyante na tulad niya na baka hindi magustuhan ng mga manonood ang mga biro nila, hindi tulad noong panahon nina Dolpy, Babalu, at Redford.


“tsaka dati nung panahon nila, mahirap nang magpatawa no’n. Pero grabe ‘yung hirap magpatawa ngayon. Minsan ‘pag nanonood ako ng mga lumang comedy, sasabihin ko ‘nakakatawa ‘yan ano? Pa’no ‘pag sinabi ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sakin? Pa’no ‘pag ginawa ko ngayon ‘yan, anong mangyayari sa’kin?’” saad ni Ganda.


“ang sarap magpasaya ng mga pilipino pero lately, ang hirap niyo ding pasayahin. Konting kibot, konting utot ‘di ba, merong panget na reaksyon. Ang hirap-hirap magpatawa ngayon kaya nakakatuwa na makita ‘yung maraming litrato nung komedyante. Sabi ko ‘ang sarap oh, andami ng komedyante.’ pero ngayon sana dumami pa ‘yung komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa,” dagdag pa niya.


Sinang-ayunan naman ni Tirso Cruz ang naging hinaing ni Vice Ganda.


Ipinahayag nito na totoo ang sinabi ni Vice Ganda kung saan ipinahayag niyang maraming mga bawal ngayon lalo na sa mga komedyante.


"Madaming bawal para sa mga komedyante, maraming bawal ngayon. Yun ang problema kaya mahirap magpatawa ngayon. Kahit marami kang material may mga magbabawal  sa materyal na ginagamit mo.


"Maganda sana ang sana ang ideya kaso pagbibitawan mo baka may mabash na naman tayo. Yung gusto lang nating magpaligaya makakasama pa pala tayo kaya sabi ko mahirap magpaliwanag.


"Pero, ayun nga marami ang bawal ngayon."


Binalikan naman ni Vice Ganda ang natamo nilang pambabatikos noon ni Ion Perez dahil hindi nagustuhan ng ilang mga netizens ang paraan nila sa pagkain ng cake icing.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo