Yen Santos Na Karma Na, Dahil Sa Isyung Paolo Contis, Arra San Agustin

Huwebes, Nobyembre 9, 2023

/ by Lovely


 Laman ng usapan sa programa ng batikang columnist na si Cristy Fermin ang napapabalitang problema sa pagitan ng celebrity couple na sina Yen Santos at Paolo Contis.


Kamakailan lamang ay naging tampok sa mga talakayan sa social media si Paolo matapos kumalat ang kanyang mga video habang may ‘sweet moments’ kasama ang kanyang co-host na si Arra San Agustin.


Agad naman itong pumukaw  sa atensyon ng mga netizens na siyang pinagmulan sa mga haka-haka na natagpuan na naman ng aktor ang kanyang susunod na target.


Samantala, iginiit naman ni Paolo Contis na bahagi lamang ng script sa kanilang show ang mga kilos niya kay Arra.


Gayunpaman hindi napigilan ng mga netizens na tanungin kung mayroon na bang espesyal na nararamdaman ang dalawa para sa isa't isa dahil sa mga nagsasabi na maging sa backstage ng show ay malapit pa rin sila at tila binabakuran pa ni Paolo Contis si Arra San Agustin.


Samantala sa programang ‘Showbiz Now Na!’, napag-usapan nina Cristy at ng kanyang co-hosts na sina Rommel Chika at Wendell Alvarez ang mga posibleng epektong naranasan ni Yen Santos habang pinapanood ang kanyang boyfriend na sweet sa ibang babae sa national television.


“Ang daming nagsasabi na walang manloloko kung walang magpapaloko,” saad ni Cristy Fermin. 


Hindi naman umano kasalanang lahat ni Paolo Contis ang nangyayari dahil hindi naman tinatago ng aktor ang kanyang track record pagdating sa pakikipagrelasyon.


“Alam niyo na nga ang track record tapos lumalapit pa kayo.” 


Ipinunto rin ni Manay Cristy Fermin na hindi naman maaring sisihin ang mga netizens sa mga hinala nila sa relasyon nina Paolo Contis at Arra San Agustin.


Samantala, tila binalikan na umano ngayon ng karma ang aktres na si Yen Santos dahil sa pagpatol niya kay Paolo Contis noon sa kabila ng mahigpit na pagtutul ng mga magulang nito.


Marami rin ang sinasabing tiyak na nararamdaman na ngayon ni Yen Santos ang naramdaman noon ni LJ Reyes nang lokohin nila ito sa kanilang palusot na 'as a friend'.


“Di ba noong naghiwalay sila ni LJ [Reyes] ang sinasabi ng mga tao, ‘Hay naku, Yen, karma is just around a corner. ‘Yun ang sinusumbat sa kaniya [Yen] ngayon ng mga tao,” paalala ni Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na kamakailan lamang ay kumakalat ang larawan ni Yen Santos kung saan mag-isa na lamang itong namili sa isang mall. Hindi na nito kasama ang aktor na palaging nakahawak sa kamay ng dalaga noon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo