Ginunita rin ng mga celebrities ang kanilang mga mahal sa buhay na nauna nang sumakabilang buhay. Isa sa mga celebrities na ito ay ang tinaguriang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.
Sa kamakailang Instagram post ni Zsa Zsa Padilla, ibinahagi niya ang mga larawan na kuha mula sa pagbisita niya sa kanyang long time partner at King of Comedy na si Dolphy Quizon.
Napansin naman ni Zsa Zsa sa kanyang pagpunta roon ang isang bulaklak na iniwan ng hindi niya nakilalang tao para sa yumao. Pinasalamatan naman ito ni Zsa Zsa sa hindi nito paglimot kay Dolphy makalipas ang ilang taon ng pagpanaw nito.
“Thanks to those you passed by to say prayers lit candles and gave flowers.”
Samantala, bago mag-November 1, nauna nang bumisita sa puntod ni Dolphy ang anak na si Eric Quizon. Iniiwasan kasi nito na maipit sa maraming tao na magsisipuntahan sa sementeryo sa nasabing araw.
Nagulat at natuwa rin si Eric Quizon nang madatnan niyang may naglagay ng bulaklak sa puntod ng kanyang ama. Malaki ang naging pasasalamat ni Eric dahil hanggang ngayon ay may nakaalala pa rin umano sa kanyang ama.
"I visited my Dad yesterday and i was surprised to see flowers from probably someone who admires him so much. Grateful they still remember my Dad. This kind gesture will always elate us, the quizons."
Ikinatuwa naman ito ng mga netizens dahil deserve naman umano ni Dolphy na hindi kaagad makalimutan ng mga tao.
"My kids, they were born in Sydney and they know your dad. We always watched home along the riles on rented tapes. Now they are in their late 20s.
"I also visit a nursing home every Sunday and an elderly is excited to watch your dad on YouTube clips. Your dad will never be forgotten"
Si Rodolfo Vera Quizon Sr. GCGH, na mas kilala sa kanyang mga stage name na Dolphy, Pidol, at Golay, ay isang Pilipinong komedyante at artista. Kinilala rin siya bilang "King of Comedy" ng bansa para sa kanyang talento sa comedy na kinakatawan ng kanyang mahabang hanay ng mga gawa sa entablado, radyo, telebisyon at mga pelikula.
Pumanaw si Dolphy noong July 10, 2012 sa Makati, Medical Center sa edad na 83, 15 araw lamang bago ang kanyang ika-84 na kaarawan dahil sa multiple organ failure, pangalawa sa mga komplikasyong dala ng pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease at acute renal failure.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!