Sa kabila ng pagkakaroon ng magandang buhay at pagiging successful sa kanyang career sa industriya ng showbiz, may mga kinakaharap pa ring mga isyu at pagsubok sa buhay ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez.
Sa biglaang pagpanaw ng aktor dahil sa pagkitil nito sa sariling buhay, naglabasan ang mga isyu na naging dahilan kung bakit nakaramdam ito ng labis na kalungkutan.
Ayon sa mga kumakalat ngayong mga usap-usapan, bukod sa mga iniindang pisikal na karamdaman ni Ronaldo Valdez dala ng kanyang katandaan nakaramdam din umano ng matinding kalungkutan si Ronaldo Valdez dahil sa pagkabigo niyang i-save ang marriage nila ng kanyang long time wife na si Marife Gibbs.
Ayon pa sa mga kumakalat na mga ulat, tatlong taon na umano ang nakakalipas nang maghiwalay ang dalawa, napakasakit umano nito para kay Ronaldo na hindi na niya kasama ang kanyang pinakamamahal na asawa sa loob ng halos 50 years.
Hinala ng marami na ang kadahilanang ito ang naging sanhi kung bakit nalugmok ang aktor sa kalungkutan at depression. Nakadagdag na lang rin umano rito ang ginawang operasyon sa kanya dala ng kanyang prostate cancer noong December 2022.
Kinumpirma naman ito ng dating leading lady ni Ronaldo Valdez sa pelikulang 'Ikaw at Ako' na si Boots Anso-Roa sa isang panayam.
Ayon kay Boots, maaring personal na problema ang naging dahilan ni Ronaldo Valdez sa pagkitil sa kanyang sariling buhay. Dito na isiniwalat ng batikang aktres na tatlong taon nang naghiwalay sina Ronaldo Valdez at asawa nitong si Marife Gibbs. Hindi na umano niya itinanong rito ang dahilan ng paghihiwalay nila subalit natitiyak niyang masakit ito para sa aktor dahil matagal rin nitong nakasama si Marife.
Dagdag pang pagsisiwalat ni Boots, napansin niya noong filming ng pelikula nila ni Ronaldo Valdez na 'Ikaw at Ako' ay nahihirapan na umano itong maglakad. Gumagamit na umano ito ng sungkod at palaging nangangailangan ng assistance mula sa ibang tao sa set. Subalit, ang mas napansin niya ay ang pagiging malungkot nito na pilit itinatago sa kanyang mga pag-ngiti at pagjo-joke.
Gayunpaman, napapansin niyang nag-iba ang behavior nito. Napansin umano niyang nasasaktan ito sa ilang mga eksena na ginawa nila lalo na kapag kinailangan nitong maglakad ng straight. Perfect naman umano ito sa kanilang roles na ginagampanan subalit kahit natapos na nila ang scene at sumisigaw na ang director ng cut ay nakikita pa rin niya ang pained expression nito.
Ayon pa sa pagbabahagi ni Boots na ang mas naramdaman niya ang labis na kalungkutan ni Ronaldo lalo na sa pag-iyak nito sa ilang scene ng sobra-sobra.
Sa ngayon ay nakikiramay ang mga artistang nakasama noon ni Ronaldo Valdez sa mga pelikula at teleserye, marami ang nabigla sa ginawa ng batikang aktor.
Sa kabilang banda, tila nagsilbi naman bilang eye opener sa ilang mga netizens ang kwento ng buhay ni Ronaldo Valdez, lalo na sa mga taong nakakaramdam rin ng depression.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!