Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang panghihikayat ng mga netizens na myembro ng relihiyong Iglesia Ni Cristo sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na magbalik loob na sa kanilang simbahan at pananampalataya.
Matatandaan at hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na lumaking myembro ng Iglesia ni Cristo si Kathryn Bernardo. Subalit, ilang taon matapos ang kanyang pagiging sikat sa showbiz industry napagdesisyunan ni Kathryn na tumiwalag sa nasabing relihiyon.
Taong 2015, unang umugong ang balitang tumiwalag si Kathryn Bernardo sa Iglesia ni Cristo nang ipahayag nila sa publiko, kasama ng dating ka-loveteam at boyfriend niya na si Daniel Padilla, ang kanilang pagsuporta sa kandidatura noon nina Mar Roxas at Leni Robredo.
Matatandaan na ang ini-endorso ng Iglesia ni Cristo noon pagkapangulo ay si Dating Pangulo Rodrigo Duterte. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sumusunod ang Iglesia ni Cristo sa systemang block-voting ang mga Iglesia ni Cristo.
Kung saan kinakailangan nilang iboto ang mga kandidato na napili ng kanilang pinuno.
Bukod pa rito, marami rin ang naniniwala na isa sa mga dahilan kung bakit umalis sa Iglesia ni Cristo si Kahtyrn Bernardo ay walang iba kundi si Daniel Padilla dahil hindi umano ito nahikayat ni Kathryn Bernardo na ma-convert sa pagiging Iglesia ni Cristo.
Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami na hindi maaring magkaroon ng relasyon ang isang Iglesia ni Cristo member sa hindi nila ka-grupo o di kaya naman sa mga taong hindi pumapayag papasok at magpapa-convert sa kanilang paniniwala.
Sa kabilang banda, kasunod ng lantarang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan matapos ang 11 years nilang relasyon, hinihikayat ngayon ng maraming myembro ng Iglesia ni Cristo si Kathryn Bernardo na magbalik loob na sa kanilang pananampalataya.
Ayon pa sa panghihikayat ng mga Iglesia ni Cristo members kay Kathryn Bernardo na senyales na umano ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla para magbalik-loob na siya sa kanilang relihyon at muling maglingkod sa kanilang Ama.
Ipinunto pa ng ibang mga myembro na wala talagang forever sa mundo at mas masarap talagang magmahal ang kanilang kinikilalang ama kaysa sa ibang mga nilalang sa lupa.
"Hangad namin na makapagbalik loob ka na at maitala ang pangalan mo sa aklat ng buhay."
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag at tugon si Kathryn Bernardo hinggil sa nasabing panghihikayat ng mga myembro ng Iglesia Ni Cristo sa pagbabalik loob niya sa dati niyang relihiyon at paniniwala kasunod ng paghihiwalay nila ni Daniel Padilla.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!