Naghain ang komedyante na si Pokwang ng deportation case at cancellation of Visa laban sa dati niyang kinakasama na si Lee O'Brian noong Hunyo. Nito lamang, December 2023, lumabas na ang desisyon ng korte hinggil sa nasabing kaso.
Naghiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian noon pang November 21, 2021 subalit nitong July 2022 naman nang inamin ito ni Pokwang sa publiko. Noong February 2023 naman naang isiniwalat ni Pokwang mga tinatagong baho ni Lee O'Brian at ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Mula noon ay ilang beses na rin niya itong binanatan at pinaringgan sa kanyang social media posts lalo na noong nabalitaan niya na mayroon nang ibang babae si Lee O'Brian.
Naghain ng deportation case at cancellation of Visa laban kay Lee O'Brian noong June 2023, ipinahayag ni Pokwang na isang illegal alien umano itong si Lee na naninirahan sa bansa. Bukod pa rito, isiniwalat ng aktres na hindi man lamang umano tumutulong si Lee O'Brian sa pagpapalaki niya sa kanyang mga anak dahil napakatamad nito.
Isiniwalat din ni Pokwang na wala namang working permit si Lee O'Brian sa kanyang pagtatrabaho sa bansa at tanging tourist Visa lamang ang kanyang hawak.
Matapos ang isang linggo ng pagsampa ni Pokwang ng deportation case laban kay Lee, naghain naman ang huli ng counter affidavit sa Bureau of Immigration kung saan nagsampa si Pokwang ng deportation case laban sa kanya.
Hiling ni Lee O'Brian na sana ay maging patas ang Bureau of Immigration sa kanilang pag-iimbestiga laban sa kasong isinampa ni Pokwang na isang Pilipina at isa pang artista.
Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na sana ay gawin ni Pokwang ang mas makakabuti para sa kanyang anak. Kaagad naman itong sinagot ni Pokwang na kaya nais niyang madeport si Lee dahil naniniwala siyang ito ang mas nakakabuti para kay Malia.
Wala rin naman umanong saysay ang pananatili ni Lee O'Brian sa bansa dahil hindi naman nito dinadalaw o kinakamusta man lamang si Malia.
Matapos ang ilang buwan, pumayag na rin si Pokwang na makasama muli ni Lee ang kanilang anak para sa kapakanan nito. May mga ibinahagi pang mga larawan si Pokwang kung saan makikitang binibisita na ni Lee ang kanilang anak.
Kompyansa na ring ipinahayag ni Pokwang na maayos na siya at mas iniisip na lamang ang kapakanan ng kanilang anak. Nagpahiwatig rin si Pokwang na handa siya makipagkaibigan ,uli kay Lee sa tamang panahon at sa tamang proseso.
Samantala, kaagad na ibinahagi ni Pokwang ang inilabas na desisyon ng Bureau of Immigration kung saan ipinag-utos nito na ipa-deport na si Lee O'Brian. Para kay Pokwang, nakamit na niya ang hustisya na para sa kanya.
Sa inilabas na resolution ng Bureau of Immigration, nakasaad ang pagpapadeport kay William Lee O'Brian. Bukod pa rito, isinama rin si Lee O'Brian sa black list sa mga ahensya ng gobyerno dahil sa paglabag nito sa kanyang working visa.
Tinukoy rin sa nasabing resolution ang active involvement ni Lee sa Philippine television programs ant theatrical industry bilang paglabag sa kanyang work limit.
The Bureau of Immigration has ordered the deportation of actor Lee O’Brian, the former partner of actress Pokwang, for violating the terms and conditions of his stay in the country by working in movie and TV projects. #AbogadoNews@pokwang27 https://t.co/c1NvyaDcNt
— Abogado.com.ph (@Abogado_PH) December 23, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!