Isinailalim na sa paraffin test ang mga kasamahan sa bahay ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez upang mabigyan ng linaw ang pagkamatay nito at mapatunayan na wala talagang foul play naganap.
Sumailalim na sa paraffin test ang hardinero, kasambahay at ang personal driver ng yumaong si Ronaldo Valdez upang matukoy kung may isa sa kanila na nagpaputok ng baril na siyang ikinamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang masusing pag-iimbestiga ng mga kapulisan kung nabahiran nga ba ng krimen ang nangyaring pagpanaw ng aktor na si Ronaldo Valdez. Nagduda ang QCPD na may foul play na naganap dahil hindi man lamang umano nahulog mula sa mga kamay ng aktor ang ginamit na baril na tumapos sa kanyang buhay.
Kadalasan umanong nangyayari sa mga nag-susuicide gamit ang baril ay nalalaglag umano ito kapag nawalan na ng malay ang nagbaril sa sarili, subalit sa sitwasyon ni Ronaldo Valdez ay mahigpit pa ring hawak ng yumaong aktor ang kanyang baril.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang resulta ng paraffin test na isinigawa sa mga kasamahan nito sa bahay. Isa na rin umano itong paraan upang malinis na ang mga pangalan ng mga nasabing tauhan ni Ronaldo Valdez dahil hindi naman maiiwasan na may mga netizens na pag-isipan sila ng masasama.
Isa na rin umano ito sa magpapatunay na totoong nagpakamatay nga ang beteranong aktor.
Samantala, nakaburol naman ang cremated remains ni Ronaldo Valdez sa Garden Suite ng Loyola Chapels and Crematorium sa Guadalupe, Makati City. Kinailangan na i-cremate ang mga labi ng aktor dahil sa tama ng bala sa kanyang leeg.
Nauna nang nakiusap ang anak ni Ronaldo Valdez na si Janno Gibbs, na huwag nang ipakalat ang actual video sa pagkuha sa mga labi nito bilang paggalang na rin sa kanilang pamilya at sa yumaong aktor.
Sa unang gabi ng lamay ng beteranong aktor, spotted na magkasamang nakiramay sa mga naulilang pamilya ang dating nakasama ni Ronaldo Valdez sa trabaho na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama rin nila ang buong cast ng teleseryeng 2 Good To Be True.
Ayon sa mga kumakalat na balita, labis na kalungkutan o depression ang naging sanhi ng pagpapakamatay ni Ronaldo Valdez.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!