Hayagan nang inanunsyo ng comedy trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na mas kilala bilang TVJ, ang naging desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines na ibigay sa kanila ang trademark ng titulong Eat Bulaga at EB.
Matatandaan na naglabas na ng desisyon ang IPO kung saan napagdesisyunan nila na kanselahin ang ibinagay ng trademark ng Eat Bulaga at EB sa TAPE Inc. dahil hindi sila nakapagbigay ng pahayag at explanation kung paano nila nabuo ang pamagat na Eat Bulaga.
Samantala, ipinahayag na nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon sa isang presscon sa TV5 studio kung saan inanunsyo nila ang desisyon ng IPO na sila ang may karapatan na gumamit sa pamagat ng Eat Bulaga.
Gayunpaman, hindi pa rin nagpapatinag ang TAPE Inc. at tila hindi rin sila aatras sa laban para sa totoong nagmamay-ari ng titulong 'Eat Bulaga'.
Hanggang ngayon kasi ay ginagamit pa rin nila ang pamagat ng show na Eat Bulaga at patuloy pa ring inaangkin. Hindi pa rito natatapos ang tila pambabastos ng TAPE Inc. sa desisyon ng IPO at sa TVJ, sa kamakailang episode ng kanilang show naglabas ng banat si Paolo Contis laban sa TVJ.
Sa opening pa lamang ng kanilang show, nagbigay na ng pahayag si Paolo Contis patungkol sa pagpapapresscon ng TVJ. Iginiit ni Paolo Contis na sa kanila ang titulong Eat Bulaga dahil hindi pa ito finally at legally na pagmamay-ari ng TVJ.
Hindi pa rito natatapos ang pambabanat ni Paolo Contis sa TVJ kung saan umasta ito na tila aping-api sa nangyari. Ipinahayag niya na iba umano ang energy kapag kinakanti siya.
Kaagad namang nag-react ang mga dabarkads at sinabing talagang napakakapal ng pagmumukha ni Paolo Contis dahil siya naman talaga ang walang karapatan sa nasabing show.
Ipinunto pa ng ilan na kahit manggalaiti pa si Paolo Contis sa galit ay wala pa rin siyang magagawa dahil mula na ang desisyon na ito sa korte.
Sa ngayon ay hindi pa ginagamit ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga dahil naghihintay sila na kusa nang tumigil ang TAPE sa paggamit nito at ipaubaya na lamang sa kanila ang pamagat.
Sa ngayon ay nakaabang ang mga Dabarkads sa magiging hakbang ng TVJ dahil sa patuloy na paggamit ng TAPE Inc. sa pamagat na Eat Bulaga at sa logo nito.
Maaring sampahan ng kasong copyright infringement ang TAPE Inc. sa patuloy na paggamit nila sa pamagat sa kabila ng pagkakansela sa kanilang trademark registration.
Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens.
"Kawawa na si paolo. Nababaliw na ata. Appeal pa. Asa k naman na mababaligtad ang kaso. Tvj andyan na sanggol ka pa lang. Kawawa kna. Mambabae k nalang."
"pag nawala nga naman yung show sa kanila paano nga naman niya palalamunin yung sarili nya, ni hindi nga niya kayang buhayin yung mga anak niya, kaya boycott na rin sa min yung bubble gang nakakairita kasi mga pagmumukha ng mga yan"
"Final pa hanap, kanselado na nga trademark nila. Pwede na sila kasuhan ng trademark infringement pag di sila lumubay sa paggamit ng eat bulaga. Lol"
"Sumikat ang eat Bulaga dahil kina bossing at boss joey ..kau mga bagong salta lang ...respetohin ang desisyon Ng Korte at tanggapin ito"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!