Tuluyan nang kinansela ng Intellectual Property Office of the Philippines ang trademark registration ng TAPE Inc. para sa trademark ng Eat Bulaga at EB.
Ayon sa inilabas na desisyon ng IPO, hindi umano napatunayan ng TAPE Inc. kung paano nila nabuo ang titulong Eat Bulaga o EB habang nakapagbigay naman umano ng testimonya at paliwanag ang TVJ kung saan nanggaling ang titulo.
Samantala, tila nagpasaring naman ang main host ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. na si Paolo Contis sa kamakailang episode ng show. Paulit-ulit niyang binanggit ang titulo ng Eat Bulaga na may halong diin.
Pahayag ni Paolo Contis, "Lagi kayong welcome dito sa Eat Bulaga, yes Eat Bulaga. Everyday we'll see you Eat Bulaga."
Sa kabilang banda, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang TAPE Inc. sa nasabing desisyon ng IPO. Maging ang TVJ ay tahimik pa rin at hindi pa naglalabas ng anumang pahayag patungkol sa nasabing isyu.
Matatandaan na ginulat ng TVJ ang mga dabarkads nang mag mass resign sila sa TAPE Inc. ilang buwan matapos mabalitang may nagaganap na internal conflict sa show.
Sa ngayon ay nasa TV5 ang TVJ sa show na pinamagatan pansamantala na E.A.T habang hindi pa nila nababawi ang titulong Eat Bulaga na hanggang ngayon ay ginagamit naman ng mga Jalosjos.
Samantala, trending naman sa ilang mga social media plaforms ngayon ang Eat Bulaga, kung saan marami sa mga netizens ang nagbubunyi sa pagpanig ng IPO sa TVJ na naging totoong haligi ng show na Eat Bulaga sa loob ng mahabang panahon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!