Sa pagbabalik ng Metro Manila Film Festival, inaabangan na mga netizens ang mga makakatanggap ng mga major awards at kung sino ang tatanghalin bilang Best Actress at Best actor.
Marami sa mga fans ng Star for all Season na si Vilma Santos ang nagbubunyi at nagbibigay ng congratulatory messages para sa kanya dahil siya ang itinanghal na Best Actress ngayon taon ng Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Maging ang ilang mga celebrities ay nagpadala rin ng congratulatory kay Ate V sa pagkakatanghal sa kanya, kabilang na rito si Mega Star na si Sharon Cuneta.
Sa kabila nito, ikinalito ng mga netizens ang ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na post ng Goldwin Reviews Accolades.
Ang Goldwin Reviews Accolades ay hindi ang official award giving body ng Metro Manila Film Festival, kaya naman naiiba ang kanilang awards sa opisyal na itinanghal.
Ayon sa ilang mg netizens, nagdulot ng confusion ang ibinahagi ni Sharon Cuneta na award dahil makikita roon na siya ang itinanghal bilang Best Actres habang si Vilma Santos naman ang totoong nanalo.
Sa caption ng post ni Sharon Cuneta, pinasalamatan niya ang Goldwin Reviews dahil sa pagpili sa kanya bilang best actress at pagsuporta sa Philippine movies.
Samantala, nilinaw naman ng Goldwin Reviews na ang inilabas nilang pangalan ay hindi katulad ng mga nag-uwi ng awards sa Gabi ng Parangal dahil isinusulat lamang nila ang sa tingin nila ang mananalo pero hindi naman ito opisyal.
"Kapag matagal niyo ng finafollow ang Goldwin Reviews, mapapansin ninyo na madalas tayong maglabas ng sarili nating awards. At kadalasan, ang resulta ay taliwas sa Official Results.
"Yun ay dahil hindi ito forecast or panghuhula kung sino ang mananalo sa Gabi Ng Parangal. Ito ay listahan lamang ng mga nagustuhan ng Goldwin Reviews, at magkakaiba tayong lahat ng nagustuhan," pahayag ng goldwin reviews.
Ayon pa sa kanila na ang listahang nakikita ngayon ay ang mga nagustuhan ng Goldwin Reviews sa bawat category ng awards na meron sa Metro Manila Film Festival 2023.
"Hindi po ito ang official results at wala po itong kinalaman sa Gabi Ng Parangal. Itong listahan na ito ay paraan upang magbigay-pugay sa mga taong bumubuo ng bawat pelikula. Pasasalamat sa kanilang kontribusyon at pagtulong upang makagawa ng magagandang Pelikulang Pilipino," dagdag pa nila.
Marami naman sa mga netizens ang binabatikos si Sharon Cuneta dahil tila nagiging desperado na ito sa pagiging best actress. May mga fan pa na hayagan ipinahayag ang kanilang pagkalito dahil sa ibinahaging result ni Sharon Cuneta na iba naman sa opisyal na resulta sa MMFF Gabi ng Parangal 2023.
Gayunpaman, may mga fans naman ang aktres na nagsasabi na deserve rin naman ni Sharon Cuneta na maging best actress dahil sa magaling na pagganap nito sa kanyang karakter sa pelikulang A Family of Two nila ni Alden Richards.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!