Tito Sotto Kinumpirma Ang Pagbasura Ng Ipo Sa Apela Ng TAPE Incorporated

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Ibinasura ng Intellectual Property Office ang apela ng TAPE Incorporated para bawiin ang nauna nilang desisyon na kanselahin ang hawak nilang trademark registration para sa titulong Eat Bulaga at EB.


Matatandaan na kaagad na naglabas ng pahayag ang TAPE Inc. sa pamamagitan ng kanilang mga social media na hindi pa umano natatapos ang kanilang laban para sa titulo ng Eat Bulaga dahil maghahain sila ng appeal para bawiin ang naging desisyon ng IPO na ibigay sa TVJ ang karapatan para gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Gayunpaman, hindi nagtagumpay ang apela ng TAPE Inc., dahil ibinasura lang ng IPO ang kanilang apela. Tila malapit nang magtapos ang pagmamay-ari ng TAPE Incorporated sa titulong Eat Bulaga dahil sa nasabing hakbang ng Intellectual Property Office.


Samantala, kaagad namang ibinahagi ni Tito Sotto sa kanyang Twitter account ang magandang balitang ito para malaman na rin ng mga netizens ang desisyon ng IPO na ibasura ang inihaing apela ng TAPE Incorporated para manatili sa kanila ang nasabing titulo.


Ipinahayag pa ni Tito Sotto na kinikilala na rin sa wakas ng government na ang TVJ ay ang Eat Bulaga, kagaya ng pagkilala ng maraming tao rito.


"Appeal of TAPE re EAT Bulaga IPC class 41 dismissed the people recognized TVJ as Eat Bulaga! Now, Gov't officially recognizes them as such."


Pahabol pa niyang banat para sa TAPE Inc, "The ohers are exponent of sham."


Naiulat din ni MJ Malfori sa isang programa sa TV5, ang pagbabasura ng IPO sa inihaing apela ng TAPE Inc.


Ayon kay MJ, panibagong victory na naman ito para sa TVJ dahil mismong ang IPO ang naglabas ng balitang ibinasura nila ang apela ng TAPE Inc.


"Another victory for TVJ dahil kanila lang ang Intellectual Property Office of the Philippines mismo ang naglabas ng balita na nagkaroon na ng pag-aapela, tapos bali yung sa TAPE doon sa Eat Bulaga parang mas mabilis pa sa alas kwatro. Pero mabilis din sa alas kwatro ang IPO binasura rin kaagad."


Kaagad naman umano siyang humingi ng clarifications mula kay Atty. Buko hinggil sa nasabing oambabasura sa apela ng TAPE Inc.


Ayon kay MJ Malfori, alam na rin umano ng TVJ ang nasabing desisyon ng IPO subalit pinili nilang hindi na lamang nagsalita ang mga ito sa live.


Sa ngayon ay nakarehistro na rin umano ang trademark ng Eat Bulaga kay Joey De Leon.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng anumang reaksyon ang TAPE Inc, hinggil sa balitang ito.



Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa pagbasura ng IPO sa apela ng TAPE Inc.


"Congrats to TVJ and to the dabarkads Tito Sen...kudos also to DivinaLaw for a job well done magaling talaga. Just be humble in victory and that's where I admire Bossing Vic"


"Pero bakit ginagamit pa rin nung kabila? Dapat yan immediate implementation db?"


"Sobrang kapal ng mukha nung kabila . Wala naman kinalaman o alam sa pagkakabuo/conceptualization ng Eat Bulaga, sabat pa ng sabat."


"Congrats po! Sulit yung pambabara namin sa "Tape Defenders" sa socmed comments section pag sinasabihan po kaming mga Legit Dabarkads na mag "Move On" na daw kami.. now sila na dapat gumawa non. HAHAHA"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo