Kasalukuyang nasa hospital ngayon ang beteran aktres na si Deborah Sun matapos maaksidente sa set ng Kapamilya teleserye na Ang Batang Quiapo.
Kamakailan lamang ay isinigod sa pagamutan ang Kapamilya actress na si Deborah Sun dahil sa natamo niyang pinsala nang maaksidente siya sa set ng teleseryeng Ang Batang Quiapo na pinangungunahan ni Coco Martin.
Ito na rin ang nagsilbing huling taping ni Deborah dahil pinatay na ang kanyang karakter sa Batang Quiapo, dahil na rin sa kailangan pa nitong magpagamot sa hospital.
Hindi rin naman nagpabaya ang mga crews ng Batang Quiapo sa pangunguna ni Coco Martin bilang lead actor, director at producer dahil kaagad nilang isinugod sa hospital ang aktres.
Ginampanan ni Deborah Sun ang papel ni Yolly sa kwento ang love interest ni Ronie Lazaro na gumanap naman bilang si Lucio na kaibigan ni Senator Lito Lapid na gumanap bilang si Primo.
Hindi naman ibinunyag kung saang hospital dinala ang aktres upang mapangalagaan na rin ang kanyang privacy. Hindi rin naman isiniwalat kung anong uri ng aksidente ang pinagdaanan ng aktres.
Gayunpaman, nagpahayag pa rin ng pasasalamat si Deborah sa lahat ng mga staff at crews ng Batang Quaipo lalong-lalo na kay Coco Martin dahil sa pagpapaospital sa kanya. Sagot umano ni Coco Martin ang lahat ng gastos sa kanyang pagpapagamot at palaging kumukontak sa kanya ang field cashier ni Coco Martin upang itanong ang kanyang mga pangangailangan.
Bukod kay Coco Martin, nagpasalamat rin si Deborah Sun sa ipinaabot na tulong ni Sen. Lito Lapid. Nagpapasalat din siya kina Ara Mina, Lorna Tolentino, at Phillip Salvador na sobrang silang nag-aalala sa kanya. Palagi umanong nagtatanong ang mga ito patungkol sa kanyang kalagayan.
Iginiit naman niyang walang dapat sisihin sa nangyari sa kanya dahil aksidente lamang ang lahat.
Bagama't hindi na siya makakabalik pa sa Batang Quiapo dahil tuluyan nang tinanggal ang kanyang karakter, masaya pa rin umano si Deborah dahil natapos niya ang mga magagandang eksena.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!